Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

SA NGALAN NG LUPA: MGA ALEGASYON SA LUPANG KINATITIRIKAN NG PAMOSONG BANTAYOG NI GAT JOSE RIZAL

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 


Ang lupa ang isa sa mga pinakamahalagang komposisyon ng salik ng produksyon na kaalinsabay sa pagbabago bago ng lipunan o social relations na kung saan ito ay naaayon sa perspektibo ng Historical Materialism ni Karl Marx. Kung pagbabatayan ang ideyang pang-ekonomiko, ang lupa kasama ng lakas-paggawa at capital goods ay siyang bumubuo ng pangkalahatang kita ng estado. Ang lupa din ay sumisimbolo  ng yaman at kapangyarihan. Sa kalagayan ng Pilipinas, halimbawa, ang mga naghaharing uri na kadalasan ang siyang may pag-aari ng malaking saklaw ng lupain na kadalasa’y siyang dahilan ng hindi pagkakapantay-pantay ng iba’t–ibang uring panlipunan.

Lupa din ang naging ugat ng panibagong alegasyong kinakaharap ng lokal na pamahalaan ng Calamba. Ayon sa reklamo ng isang mapagmatyag na mamamayan sa tanggapan ng Deputy of Ombudsman, hindi dumaan sa legal na proseso ang pagbili ng lupa na pagmamay-ari ng Laguna College of Business and the Arts o LCBA na nasa harapan ng New Calamba City Hall na siyang ngayong kinatatayuan ng pamosong bantayog ni Dr. Jose Rizal—ang tinaguriang pinakamalaki at pinakamataas na bantayog sa buong Pilipinas.


Isa  sa mariing pinagtutuunang pansin sa isyung ito ay ang proseso sa naging bilihan ng nasabing  lupa na kung saan ang kabuuang presyo ay umabot sa Php401, 000,000. Sinasabing ang bilihan ay “overpriced” umano na kung saan pumapatak na ang halaga ng lupa bawat metrong parisukat (sq/m) ay umaabot ng P7,500 humigi’t kumulang kaya’t umabot sa P401 M ang kabuuang halaga ng lupang pagmamay-ari ng LCBA property na may kabuuang sukat na 66, 997 metrong parisukat o 6.7 ektarya. Ayon sa naging kasunduan ng magkabilang panig, ang bayaran ay magiging dalawang bigayan na kung saan ang paunang bayad na nagkakahalagang P105,000,000 ay babayaran ng Pamahalaang Panlungsod sa napagkasunduang petsa at ang natitirang balanse na nagkakahalagnag P296,000,000 ay sisikaping bayaran sa pamamagitan ng bank loan sapagkat ang Pamahalaang Panlungsod ay wala namang perang nakalaan para sa pagbili ng naturang lupa.  Sinasabing kuwistiyonable din ang perang inilabas ng lokal na pamahalaan ng Calamba sapagkat ang paunang bayad na nagkakahalaga ng P105, 000,000 umano ay labis lamang o “savings” ng lungsod na wala din naming  resolusyong naaprubahan na maaari itong gamitin bilang paunang bayad o downpayment para sa lupa ng LCBA.


Ilan sa mga pangunahing may pananagutan sa usaping ito ay sina G. Dennis Lanzanas, pinuno ng City Planning and Development Office at head secretariat ng Local Development Council at si G. Leonardo F. Opulencia na pinuno naman ng City Cooperative Development at guro din ng nasabing eskuwelahan. Ayon sa reklamo, ang dalawang opisyales umanong ito ang siyang kinatawan ng punonglungsod sa pakikipag-ugnayan sa mga Board of Directors ng LCBA para talakayin ang pagbili sa naturang lupa. At sa huli, napagkasunduan nga ng magkabilang panig na ang lokal na pamahalaan ng Calamba ang siyang bibili sa lupaing pagmamay-ari ng nasabing eskuwelahan. Kung kaya’t nagkaroon ng pagpupulong ang Sangguniang Panlungsod ukol sa pagpapahintulot kay Mayor Joaquin Chipeco na makipag-ugnayan sa mga opisyales ng LCBA at pumasok sa isang kasunduan o ang Conditional Sale na naaayon sa Resolusyon bilang 288. Sinasabing may pagkukulang si G. Lanzanas bilang opisyal ng pamahalaang panlungsod sa masusing pag-aaral ukol sa pagbili at  pagagamitan ng nasabing lupa sapagkat wala din namang nakasaad na may plano ang Pamahalaang Panlungsod na bumili at magpapatayo ng panibagong proyekto sa City Medium Term and Development  na aprubado ng Local Development Council na pinamumunuan din ni G. Lanzanas. Sinasabing isang malaking waldas sa kaban ng bayan ang nasabing proyekto sapagkat walang komprehensibong pag-aaral na naipakita ang tanggapan ni G. Lanzanas bagkos ang plano lamang na ukol sa pagpapatayo ng mga imprastraktura katulad ng sports complex o coliseum na may kapasidad na dalawampung libo, parke at maging komersyal na establisyemento na paglalagyan din ng basement parking. Sa kaso naman ni G. Leonardo Opulencia, na kung saan siya ang umanong  pangunahing kinatawan ni Mayor Joaquin Chipeco sa pakikipag transaksyon sa mga matataas na opisyales ng LCBA at sa magkaparehong panahon ay empleyado din ng nasabing institusyon bilang isang guro, mariin niyang nilabag ang Seksyon 4-A.a at Sec. 7-b-1 ng RA 6713 o ang CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS FOR PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES.


Section 4.Norms of Conduct of Public Officials and Employees. - (A) Every public official and employee shall observe the following as standards of personal conduct in the discharge and execution of official duties:

  1. (a)

Section 7.Prohibited Acts and Transactions. - In addition to acts and omissions of public officials and employees now prescribed in the Constitution and existing laws, the following shall constitute prohibited acts and transactions of any public official and employee and are hereby declared to be unlawful:

(b) Outside employment and other activities related thereto. - Public officials and employees during their incumbency shall not:

(1) Own, control, manage or accept employment as officer, employee, consultant, counsel, broker, agent, trustee or nominee in any private enterprise regulated, supervised or licensed by their office unless expressly allowed by law;


Maliban pa dito, nilabag din ng parehong opisyal maging ang punonglungsod ang RA 3019 o ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT, Seksyon 3-e at g.

Section 3. Corrupt practices of public officers. In addition to acts or omissions of public officers already penalized by existing law, the following shall constitute corrupt practices of any public officer and are hereby declared to be unlawful

(e) Causing any undue injury to any party, including the Government, or giving any private party any unwarranted benefits, advantage or preference in the discharge of his official administrative or judicial functions through manifest partiality, evident bad faith or gross inexcusable negligence. This provision shall apply to officers and employees of offices or government corporations charged with the grant of licenses or permits or other concessions.

(g) Entering, on behalf of the Government, into any contract or transaction manifestly and grossly disadvantageous to the same, whether or not the public officer profited or will profit thereby.

 


Malaking responsibilidad at pananagutan ng mga lingkod bayan sa mga mamamayan na sa kanila ay nagluklok ang pangalagaan at gamitin sa makatarungang paraan ang mga buwis na nagmumula sa mga taxpayers upang nang sa gayon ay kanila namang matamasa ang mga karampatang serbisyo. Isang matingkad na pananagutan ng mga opisyales ng pamahalaan ay ang paglalahad ng mga nararapat na impormasyon ukol sa mga proyektong pampahalaan lalo pa’t kung ito ay manggagaling sa buwis ng mga mamamayan o ang “transparency” na tinatawag. Lahat sana tayo ay makiisa sa panawagan ng ating pangulo na sugpuin ang talamak na kurapsyon sa pamahalaan. Maging mapanuri sana tayong lahat. Buhayin ang ating mga kamalayan sa mga iba’t–ibang kaganapan na naaayon sa pagsulong ng tamang serbisyo publiko ng gobyerno. Huwag sana nating ipagwalang bahala ang mga ganitong usapin sapagkat tayo bilang mga mamamayang nagbabayad ng buwis ang siyang dapat na makatamasa ng maayos na serbisyo publiko ano man ang uring ating kinabibilangan.----Maia Caspe

 

 

RELATED ARTICLE:  PANIBAGONG AKUSASYON NG KURAPSYON KINAKAHARAP NG CALAMBA

 

front-prop


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER 

Last Updated on Friday, 11 November 2011 04:50

Add comment


Security code
Refresh