Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

4 CAR JACKING SUSPECTS PATAY SA ENGKWENTRO SA SAN PEDRO LAGUNA

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

San Pedro, Laguna--- Patay ang apat na hinihinalang Hi-Jacker sa engkwentro nito sa mga alagad ng batas sa San Pedro, Laguna dakong alas 3:45 ng umaga ng ika-9 ng Nobyembre.


Batay sa inisyal na imbestigasyon sa pangunguna ng PNP San Pedro PSUPT Kirby John B. Kraft, Laguna STG PCI Vic Cabatingan CIDG Mavericks sa pangunguna ni Psupt. Maristelo Manalo at Cavite CIDT PCI Rey Magdaluyo, ay inabutan ng operatiba ang mga armadong kalalakihan sa Victoria Road, Brgy.SanAntonio sa nasabing bayan na naging resulta ng engkwentro ng mga pulis at mga suspek.


Narekober sa insidente ang truck na may plakang RJK787 na lulan nito ang 192 pirasong ibat-ibang flat LCD TV na humigit kumulang sa isang milyong piso ang halaga, 1 Isuzu Crosswind plate # XFJ165, 1 Carbine, isang ingram, isang 145 pistol.


Napag-alamang kahapon ng ika-8 ng Nobyembre dakong ala una ng hapon ng mapabalitang ito ay hinayjack sa may Centenial Road, Cawit Cavite kung saan ang drayber nito at kasama ay itinali bago ibinaba sa Kaong, Silang Cavite.  Ang pagkakakilanlan ng apat na suspek ay inaalam pa hanggangsa kasalukuyan at kung saang grupo ang kinabibilangan ng apat. //Arlene P. Mariposque

 

1pnp


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Add comment


Security code
Refresh