Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

TATAY NI CHARICE PEMPENGCO INILIBING NA

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

charice3

 

RELATED ARTICLES:

 

Suspek sa Pagpatay sa ama ni Charice Pempengco, Sumuko na

CHARICE PEMPENGCO DUMATING NA NG BANSA

 

Watch Related Video 

 

Inihatid na kanina sa kaniyang huling hantungan si Ricky Pempengco ama ng Pinay singing sensation na si Charice Pempengco sa Pasture of Heaven Memorial Park Sa Cabuyao Laguna pasado alas tres ng hapon. Walang patid ang pagiyak ng magiinang Raquel, Carl at Charice pagdating sa sementeryo, lalo na habang ipinapasok na ang kabaong ng kanilang ama sa nitso nito. Mahigpit na mahigpit ang pagkakayakap ni Charice sa larawan ng kaniyang yumaong ama habang humahagulgol sa pagiyak. Matatandaang una ng sinabi ni Charice na tatlong taon pa lamang siya ng mawalay siya sa kaniyang ama bunga ng hindi nagging magandang samahan ng kaniyang mga magulang at hindi niya inaasahan na sa kabaong na niya  uli ito makikita.


Alas dos ng hapon ng inalabas ang kabaong  ni Ricky sa Divine Mercy Viewing Chapel sa Muntinlupa City kung saan ibinurol ito ng limang araw, naging mahigpit  ang seguridad sa pamilya Pempengco habang tinatahak nila ang huling hantungan ng kanilang padre de pamilya

Pagdating sa sementeryo nanduon ang daang daang taga hanga ng sikat na mangaawit na matiyagang naghihintay sa kanilang idolo upang makiramay at makakuha ng litrato, at kahit bumuhos pa ang malakas na ulan hindi nila iniwanan si charice na kanilang nasilayan sa personal sa bihirang pagkakataon


Si Ricky Pempengco ay napatay ng suspek na si Angel Capili sa pamamagitan ng siyam na saksak ng phillip screw sa Brgy Laram San Pedro Laguna nuong October 31 ng 11:30 ng gabi-CJ ALCANTARA

 

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER

Last Updated on Tuesday, 08 November 2011 07:24

Add comment


Security code
Refresh