Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Suspek sa Pagpatay sa ama ni Charice Pempengco, Sumuko na

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 


Sumuko na kahapon ang pangunahing suspek sa pagkakapatay at pananaksak sa ama ng International Singing Sensation Charice Pempengco Oktubre 31 sa bayan ng San Pedro, Laguna.  Nauna ng nagpaabot ng surrender feeler ang suspek sa kinauukulan sa pamamagitan ng misis nito na residente sa Brgy. Santiago, General Trias, Cavite. Ayon sa ulat ni P/Senior Supt. John Bulalacao, 2:30 ng hapon nang sunduin ni Chairman Rolando Pagkaliwangan ng Brgy. Santiago ang suspek na si Angel Capili Jr., bago dinala kay Mayor Luis “JonJon” Ferre IV ng General Trias, Cavite.


Si Capili ang idinidiin ng mga testigong sina Gonzalo Payunan at Mark Joseph Gomez na pumatay sa biktima gamit ang ice pick noong Lunes ng gabi sa Brgy. Laram sa nasabing bayan.  Gayunman, humingi ng tawad ang suspek sa pamilya biktima at hindi niya alam na tatay ito ni Charice.

Samantala, hindi umano kilala ni Capili si Ricky Pempengco, nagkainitan lang daw sila at nagkasagian, sinuntok siya nito kaya binalikan at gumanti siya. Sinabi rin ng suspek na screw driver ang ginamit niya sa pagpatay sa biktima at hindi icepick.

 

capili

photo: accessatlanta.com

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER 

Last Updated on Friday, 04 November 2011 05:57

Add comment


Security code
Refresh