Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CHARICE PEMPENGCO DUMATING NA NG BANSA

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

 

Dumating na sa bansa kagabi ang Pinay International Singing sensation na si Charice Pempengco sakay ng Philippine Airlines  galing ng Hongkong dahil sa pagkakapaslang sa ama nito na si Ricky Pempengco. Kasunod ito ng naging unang pahayag ng singing sensation sa kaniyang twitter account na kinansela niya ang kaniyang appearance sa dapat sanay concert nila sa Singapore kasama sina David Foster at iba pang international singers.  Paglapag ng eroplano nito sa NAIA terminal bandang alas onse ng gabi ay agad itong nagpunta sa burol ng kaniyang ama sa Divine Mercy Viewing Chapel sa Muntinlupa City.


Mag-aala una na ng madaling araw ng sabay sabay dumating sa burol ang magkapatid na si Carl At Charice kasama ng kanilang inang si Raquel Pempengco. Hindi naman napigilan ng magiina ang walang patid na pagiyak ng samasama na silang tumayo sa harap ng kabaong ng kanilang padre de pamilya na halos walong taon din nilang hindi nakasama.


Naging mailap sa mga taga media ang pamilya Pempengco at hindi nagbigay ng anomang pahayag kaya naman ang manager na lamang ni Charice na si Grace Mendoza ang nagbigay ng statement para sa pamilya Pempengco. Sinabi nito na humihiling ang pamilya ng privacy at pagkakataong maipagluksa ang pagkamatay ni Ricky. Tikom din ang bibig nito hinggil sa plano nila ni Charice kung hanggang kailan siya dito sa bansa at kung kailan at kung saan ang libing ng kanilang padre de pamilya.- CJ ALCANTARA

charice

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER 

 

Last Updated on Thursday, 03 November 2011 04:05

Add comment


Security code
Refresh