Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CITY HALL, BINULABOG NG BOMB THREAT

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

Sinuspindi ang lahat ng transaksyon sa Pamahalaang Panlungsod ng Calamba nitong Oktubre 27 matapos makatanggap ang isang empleyado ng text na mayroon bomba sa loob ng New City Hall, Calamba City.


Agad naman nagkaroon ng force evacuation matapos mag-utos ang humawak sa sitwasyon na si Noel Haraña upang maiwasan ang anumang disgrasya.  Mabilis naman rumesponde ang mga Bomb Expert at AFP-RMG sa pakikipagtulungan ng Calamba PNP Chief Joel Pernito upang alamin kung totoo ang pagkakaroon ng bomba. Bandang ika-3 ng hapon nang sabihin nang mga nag-inspeksyon sa gusali na negative o hindi totoo ang banta sa seguridad.


Ayon kay Pernito, bandang 10:16ng umaga nareceive ang isang text tungkol sa diumanong bomba sa City Hall at mabilis naman pinaalam ito sa kinauukulan. Dagdag pa niya na kailangan maghigpit pa lalo ang pagbabantay ng mga security guard sa loob ng City Hall.

Panukala niya ang pagkakaroon ng isang entry door para sa lahat upang mainspeksyon mabuti ang mga gamit tulad ng ginagawa sa mga mall. Kahit isa man daw panloloko ang nangyaring ito ay dapat laging maging handa at mapagmatiyag ang mga tao lalo na sa mga naiwang bagahe o gamit.


Dismayado naman si City Administrator Manuel Ladrido sa mga guwardiya ng City Hall matapos malaman nito na nagpapasok ng mga tao ang guwardiya kapag madaling araw. Sinabi niya pang huwag nang ipagtanggol pa ng mga guwardiya ang kakulangan nila.

Isang all department head meeting naman ang inaayos ni Ladrido sa Oktubre 28, ika-9 ng umaga upang pag-usapan ang nangyaring situwasyon at kung ano ang dapat gawin ng bawat isa sa panahong may ganitong pangyayari.

cityhall


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

 

Add comment


Security code
Refresh