10 PULIS NG LAGUNA CIDG4A, TUMANGGAP NG COMMENDATION
- Tuesday, 25 October 2011
- Written by Calamba Super Administrator
 | CAMP VICENTE LIM, LAGUNA-----SAMPUNG kagawad ng Laguna Criminal Investigation and Detection Group 4-A (CIDG4-A) ang pinagkalooban ng "COMMENDATION" ng kanilang Regional Chief sa katauhan ni Police Senior Supt. Edwin Jose Nemenzo, PhD/CESE. Ang sampung pulis ay ang sumusunod; (Unang grupo) Police Chief Inspector Benjie M. Calapiz; Police Inspector Rizaldy H. Garcia; SPO4 Renee Johnson M. Melgar; SPO1 Joelson P. Pedernal;SPO1 Joselito E. Morena. |
(Ikalawang grupo) Police Chief Inspector Orlando L. Castil Jr.; SPO4 Julieta R. Magpantay; SPO2 Venerando A. Muzares; SPO1 Ramon M. Espenida; at PO3 Charlie M. Reyes, na kung saan ay nagsagawa ng masusing imbestigasyon at follow-up operation sa karumal-dumal na kaso sa pagpatay kay Given Grace Cebanico, na natagpuang walang buhay sa madamong bahagi ng Barangay Tuntungin-Putho Los Banos, Laguna.
Ang biktimang si Cebanico (SLN); ay sinasabing 3rd Year Bachelor of Science in Computer Engineering at Schoolar ng Univesity of the Philippine Los Banos Laguna, ay natagpuang patay dakong ika-7:00 ng umaga, Araw ng Martes (October 11, 2011).
Ang sampung mga pulis ang masigasig na nagtrabaho para madakip ang pangunahing mga salarin, na pumaslang sa nasabing estudyante, at matapos pagnakawan, pinagsamantalahan saka pinaslang pa ng mga suspek na nakadetine na sa kasalukuyan. Ang mga suspek na nabanggit ay kinabibilangan nina;Percival De Guzman at Lester Ivan Rivera na nakunan ng mga mahahalagang mga gamit ng biktima tulad ng i-phone at laptop computer na pag-aari ng biktimang si Given Grace Cebanico (SLN). (Arlene P. Mariposque)
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
DISCLAIMER
Last Updated on Wednesday, 26 October 2011 03:49Add comment