Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

5 IBA-IBANG KASO, KAKAHARAPIN NG BASTOS NA LALAKI SA LAGUNA

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

CABUYAO, LAGUNA-----LIMANG ibat-ibang uri ng kaso ang kakaharapin sa korte ng isang 27 anyos na lasing na lalaki, na matapos mambastos ng isang babae, barangay at pulis sa lugar ng Barangay San Isidro, Cabuyao, Laguna.Kinilala ni Police Supt. Armel S. Gongona, Chief Of Police ng Cabuyao Laguna Municipal Police Station ang suspek na si Lawrence De Guzman y Sison, may-asawa, residente ng Block-23, Lot-45,Centennial Homes, Barangay San Isidro, nasabing bayan.
Ang mga biktima naman nito ay ang mga sumusunod; Maria Teresa Espinas y Martinez, 40 taong gulang, may-asawa, residente ng Block-65, Lot-6, Phase 6, Mabuhay City, Mamatid, Cabuyao, Laguna; PO1 Ricardo Judd Dimalibot y Concepcion, 27 taong gulang,  binata, OJT ng Cabuyao Laguna Police at SPO1 Joseph Landicho y  Austria, 30 taong gulang, may-asawa, imbestigador ng Cabuyao Laguna Police Station.

Lumilitaw sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Reynaldo P. Dizon, na dakong ika-1:20 ng tanghali, noong Miyerkules,  naganap ang pagturn-over ng Barangay Tanod sa mga awtoridad ng  Cabuyao Laguna Police.  Nabatid ng pulisya na habang minamaneho ng isang Ruben Dag-On y Ganaon ang Mitsubishi Adventure na may plate number WKW-487, sa hindi pa malamang kadahilanan ay pinagsusuntok ito ng nasabing suspek at nagkaruon ng pinsala, kaya inireklamo sa Barangay Hall ng Barangay San Isidro.
Habang inirereklamo ni Maria Teresa ang suspek sa Barangay Hall ay nagkaruon pa ng komprontasyon sa loob ng Barangay Hall ang suspek at ang nasabing ginang na sakay ng nabanggit na behikulo.

Dahil sa lasing ang suspek, ay kung ano-anong mga salita ang pinagsasabi nito kay Maria Teresa, kasabay ang pagmumura nito ng mga katagang; "Putang ina mo magkano ba ang sasakyan mo? Babayaran ko na lang".  Sa puntong ito ay inilipat ng Barangay Tanod sa pulisya ang nasabing kaso para sila ang mag-imbestiga; habang tinatanong ni PO1 Dimalibot (OJT) ang suspek, ay kung ano-anong masasakit na salita rin ang sinabi nito sa pulis, kasabay ang pagsenyas ng kamay nito na "Fuck You" at pagmumura sa pulis ng katagang; "Putang Ina Mo", kaya naman ikinulong ito sa Cabuyao Laguna Municipal Jail habang nasa impluwensiya ng alak. (Arlene P. Mariposque)
1pnp

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Add comment


Security code
Refresh