Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

OCCUPY CALAMBA CAMPAIGN, ISINAGAWA NG MGA MILITANTE

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Nitong nakaraang linggo ay isinagawa kasabay ng taunang LAKBAYAN ng progresibong grupong Katipunan ng Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK) sa Crossing, Calamba ang “Occupy Calamba” para ipakita ang matinding pagkontra sa anti-magsasakang rehimeng US-Aquino.  Ito ay bahagi rin ng isang linggong protesta ng mga magbubukid sa bansa. Sa Maynila inupisahan ang Occupy Mendiola noong Oktubre17.


Sa Crossing, Calamba pumuwesto ang mga militante subalit mabilis din silang napaalis ng kapulisan noong Huwebes. Tinututulan ng mga magbubukid ang 20-taong Project CALABARZON na naglalayong i-convert ang ilang lupang sakahan sa pagiging economic processing zone.  Ayon sa grupo, lalong lumala ang sitwasyon sa agrikultura sa kasalukuyang administrasyon. Tampok sa rehiyon ang mga naganap na pagpapaalis sa ilang mga magsasaka sa Hacienda Yulo sa Laguna, Hacienda Looc sa Batangas, at Lupaing Ramos sa Cavite.


“Sa ganitong kalagayan ng bansa kung saan ang kalakhan ng lupain ay hawak pa rin ng mga panginoong maylupa at ang mga magsasaka ay patuloy na naghihirap at pinapasista ng estado, malayong maging stable ang presyo ng bigas at iba pang produkto ng sakahan para sa mamamayan,” ani Nestor Villanueva, tagapagsalita ng KASAMA-TK.

 

Nais rin ng grupo na ipabasura ang kasalukuyang umiiral na Comprehensive Agrarian Reform Program with Reforms (CARPER) at ipasa ang panukalang batas ng Anakpawis Partylist na Genuine Agrarian Reform Bill (GARB).  Ipinagkibit-balikat lamang ng Malakanyang ang ginawang kilos-protestang ito ng iba’t ibang grupo.

 

 

 

FACT FINDING MISSION, INILUNSAD SA HACIENDA YULO; MICHAEL YULO, BUMISITA SA BUNTOG

Isang fact-finding mission ang binuo ng grupong Katipunan ng Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK) bunsod ng nangyaring pagpuputol ng mga niyog sa Hacienda Yulo sa Canlubang.  Sumugod rin ang halos isandaang militante sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa harapan ng New Calamba City Hall sa Real noong Oktubre 20 upang batikusin Pamahalaang Panlungsod sa hindi pakikialam sa pagpuputol ng mga niyog.

Binatikos rin ng KASAMA-TK ang hepe ng Calamba police na si Police Supt. Joel Pernito dahil sa pagpapadala nito ng mga pulis upang protektahan ang mga magpuputol ng niyog.


Parte raw ng proyekto ng Pamilya Ayala at Pamilya Villa rang ginawang pagpuputol upang palitan ang gamit ng agricultural na lupain. Golf course at subdivision raw ang itatayo rito kapag nagtuluy-tuloy ang pamumutol, ayon sa mga militante.

Pinasinungalingan naman ito ni Dan Calvo, arkitekto at nagtatrabaho sa mga Yulo. Ligal at may mga dokumentong ipinakita sa mga militante ang grupo nina Calvo subalit patuloy sa pagharang ang mga ito.

“Ang mamamayan ng Sitio Buntog ay suportado ang ligal na pagpuputol ng puno upang malinis ang daraanan ng kalsada na siyang magpapasok ng kaginhawaran at pagunlad ng Sitio,” ayon sa Facebook account ni Calvo. 

 

 

Michael Yulo Bumisita

Nagulat ang mga taga-Sitio Buntog sa biglaang pagbisita ni Michael Yulo, panganay na anak ng yumaong Jose Miguel Yulo, noong Oktubre 20.

Ito ay sa kasagsagan ng ginagawang pagpuputol ng mga niyog sa loob ng sitio.  Labis naman itong ikinatuwa ng ilang residente dahil matagal na panahon nang huling may bumisitang miyembro ng pamilya Yulo sa lugar.  Nagpasalamat si Yulo sa mga residenteng sumusuporta sa kaunlaran na bitbit nila.

 

 

 

 

Pagharang

Matapos ang LAKBAYAN ng mga progresibong grupo sa Maynila, dumiretso ang ilan sa kanila sa Canlubang upang pigilan ang nakaambang malakihang pagpuputol ng mga niyog.  Kinundena ng mga grupo ang ginagawang panghaharas ng mga military at security officers ng Pamilya Yulo upang matuloy lamang ang kanilang balak.

Sa kabila nito, itinuloy ang pagpuputol ng mga puno sa pangunguna ni Dan Calvo.

 

 

 

 

MGA MAMBUBUKID, HINARAP ANG MGA MILITAR

Kinumpronta ng mga mambubukid at mga mamamayang naninirahan sa Sitio Kabute, Real, Calamba City at Barangay Pulo, Cabuyao, Laguna ang mga opisyal ng military na inilagay matapos ang magkaroon ng demolisyon sa kanilang mga lugar.

Ayon kay Glen Malabanan, secretary-general ng KARAPATAN-Southern Tagalog, ito ay paraan ng military upang takutin ang mga mamamayan sa mga nasabing lugar. Subalit sa kabila ng intimidasyon ay higit lang na lumalaban ang mga tao roon, dagdag pa niya.

Inumpisahan nila ang araw ito sa pakikipag-usap sa mga military officers sa military detachment sa Sitio Kabute at Brgy. Pulo bago dumiretso at nakiisa sa piket ng mga mangagawa ng Nestle.  Matapos nito ay nagkaroon ng programa upang kundenahin ang mga iskema ng gobyernong pabor lamang sa mga dayuhan.

Nagsagawa naman ang Southern Tagalog Cultural Network ng isang cultural protest sa Dita Plaza, Sta. Rosa City. Laguna pagsapit ng hapon.

--PINPIN TOLENTINO

 

 

canlubang-icon

 

Click here to read more about the cause



 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER 


Last Updated on Wednesday, 26 October 2011 03:56

Comments  

 
0#1dan calvo2011-12-10 04:40
Nais ko lamang ituwid ang ilang puntos na lihis sa katotohanan.
1.Legal ang pagpuputol dahil may kaukulang permit sa lahat ng sangay ng gobyerno lalo na ang PCA na nakakasakop sa ganitong gawain.
2.Walang naganap na malawakang pagpuputol ng niyog sa Sitio Buntog. Bagkus 593 lamang na puno sa total na 300,000 nakatanim na puno ang pinutol para malinis ang daraanan ng permanenteng kalsada patungo sa Sitio Buntog.
3.Tunay na mamamayan ng Buntog ang sumama sa mga nagputol upang matiyak na kontrolado ang pagpuputol at walang kasama na pulis ng Calamba o military.
4. Walang kaugnayan ang pamilya ng Ayala at Villa sa ginawang pagpuputol, dahil ang lupa na kinatatamnan ng niyog at mga puno ay pagaari ng pamilya Yulo.
4.Ang mga elemento ng SAMANA, Karapatan TK,at BAYAN ang nangharas at nanggipit sa mga nagpuputol sa pamamamagitan ng panghaharang at pagpipigil sa isang legal na gawain.
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh