Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

GRANADA NATAGPUAN SA BRGY.MAPAGONG AT BRGY.BARANDAL SA MAGKAHIWALAY NA INSIDENTE

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 


grenade

Calamba City, Laguna---Isang hand granade ang natagpuang pinaglalaruan ng isang 8 taong gulang na bata sa Barangay Mapagong, Calamba City, Laguna bandang 9:20 ng umaga ng ika-22 ng Oktubre.  Kaagad naman itong iniulat sa mga awtoridad at nai turn over sa Laguna Bomb Squad sa Camp Eldridge, Los Baños, Laguna.


 

Noong ika-7 naman ng umaga ay isa pang hand grenade ang natagpuan sa GK Village, Barangay Barandal, Calamba City.  Ayon sa mga residente ay bandang alas-sais ng umaga ay isang sampung taong gulang na batang kinilalang si Limar Cantor ang nakakita sa naturang granada sa harap ng tahanan ng isang Rafael Disco.  Pagkaalam ng sitwasyon ay agad itong naitawag ng Barangay Chairman sa mga pulis.  Sa tulong ng Bomb Squad sa pangunguna ni SPO2 Rommel De Monteverde ay nai defuse ang bomba.  Ang hand granade ay MK2 Fragmentation Hand Grenade with ordinance # M204A202/MA176J001-011/09-76.

 



 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER 


Last Updated on Monday, 24 October 2011 04:31

Add comment


Security code
Refresh