Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

PAGBUO NG CALAMBA CITY TRAFFIC MANAGEMENT & TRICYCLE FRANCHISING COUNCIL IPINANUKALA SA SANGGUNIAN PANLUNGSOD

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 


Kamakailan lamang ay naipasa sa ikatlong pagbasa ang ordinansang “ THE ORDINANCE ADOPTING THE CALAMBA CITY TRAFFIC MANAGEMENT CODE AND CREATING THE CALAMBA CITY TRAFFIC AND TRICYCLE FRANCHISING COUNCIL AND PROVIDING PENALTIES THEREFORE” sa Sanggunian Panlungsod ng Calamba City, Laguna.  Pangunahing layon ng nasabing batas ay makatugon ang sektor ng transportasyon sa pangangailangan ng makabagong panahon.  Maraming naglalakihang mga establisimiyento ang naitayo at itinatayo sa lungsod na nangahulugan ng pagdami at pagbilis ng galaw ng kalakalan.  Bunsod ng kaunlarang tinatamasa ng Calamba ay kaakibat nito ang suliranin sa trapiko at transportasyon, kung kaya’t ang naturang ordinansa ay iniakda.  Nakasaad dito ang ilang mga pagbabago sa mga traffic rules, subalit ang pinaka pangunahing bahagi ng ordinansa ay ang pagbuo ng Calamba City Traffic Management  and Tricycle Franchising Council.


Adhikain sa pagbuo ng Council na mabigyang daan ang pagpaprayoridad sa pagpaplano para sa pangmatagalang pagresolba sa mga problema sa trapiko sa Calamba at matuunan ng kaukulang importansya ang pagtatayo ng mga bagong imprastraktura bilang sagot sa kakulangan ng kalsada sa lungsod, na isa sa mga pangunahing sanhi ng mga suliranin sa trapiko.  Sa pamamagitan ng pagbuo sa Calamba City Traffic Management and Tricycle Franchising Council ay mabibigyang daan ang pagsasagawa ng tinatawag na Transport Development Plan na nakasaad sa Comprehensive Land Use and Development Plan (CLUDP) ng Calamba.  Ang CLUDP ay isang masusing pag-aaral patungkol sa kaunlaran ng lungsod na isinagawa noong taong 2000.  Nakapaloob dito ang mga istratehiyang kinakailangang maisagawa ng lokal na pamahalaan tungo sa pananaw na sa taong 2015 ang lunsod ng Calamba ay maging isang ganap na Dynamic Regional Center.


Ayon sa CLUDP, bagamat kinikilalang lakas ng lungsod ang pagiging sentro ng komersyo sa CALABARZON, ay isa sa mga kahinaan naman nito ang kakulangan ng mga kalsada.  Ang malaking dami ng negosyo ay nakasalig lahat sa Crossing Area samantalang ang mga Industrial Parks at mga Commercial Complex ay naka lugar malapit sa mga National Road.  Ito ay sanhi ng lalong pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada.  Sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga kalsada ay mabubuksan ang iba pang mga barangay ng Calamba para sa oportunidad ng komersyo (CLUDP Final Report Part II-Development Plan, Page 1-5).  Nakatuon ang naturang Transport Development Plan sa pagtatayo ng mga imprastraktura tulad ng transport terminal, mga bagong kalsada at fly-over na siyang garantiya ng economic strategy ng Calamba.  Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng transport network ay magiging mabilis ang daloy ng tao at ng mga produkto.  Ang sumusunod ay ang Transport Development Programs/Projects na inilatag ng pag-aaral na kung maisasakatuparan ay magiging kasagutan sa suliranin ng trapiko:


  •  Construction of Central Transport Terminal 
  •  Various Roads & Bridges 
  •  Construction of Tulo-Real Primary Road 
  •  Construction of Additional Secondary Road 
  •  Construction of Fly-Over at JP Rizal Rail Road Crossing 
  •  Geometric Improvement & Traffic Signalization of Critical Intersection, partikular sa JP Rizal-MSR periphery at sa intersection ng MSR at Parian-Mayapa Road 

 

Ang development plan na ito ay inilatag upang maisagawa ng lokal na pamahalaan sa loob ng 15 taon (2000-2015).

 

 

cnl-meeting

Ayon sa pangunahing may-akda ng ordinansa na si Konsehal Christian Niño Lajara, mahalaga ang pagbuo ng Council na siyang magiging patnugot para sa pag-aapruba ng mga plano, polisiya tungo patungkol sa trapiko, prangkisa ng traysikel at maging sa implementasyon ng mga naturang proyektong nakasaad sa Development Plan.  Inaasahan na sa pamamagitan ng Council ay makagagawa ang lokal na pamahalaan ng isang comrehensive at long-term plan para sa Calamba na siyang sagot sa mga isyu ng trapiko sa lungsod.




Ang Council ay kabibilangan ng Mayor bilang ex-officio Chairman, Hepe ng Public Order and Safety Office bilang ex-officio Vice-Chairman at kinatawan mula sa mga sumusunod na tanggapan: City Planning & Development Office, Sanggunian Panlungsod Transport Committee, Business Permit & Tricycle Franchising Office, ABC President, Tricycle Operators and Drivers Federation, Jeepney Operators and Drivers Association, Calamba Chamber of Commerce, Association of Bus Operators and Van operators.

traffic-light


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER 

Last Updated on Wednesday, 26 October 2011 05:34

Add comment


Security code
Refresh