Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

SAN PABLO MASSACRE LIMA PATAY ISA SUGATAN

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 


SAN PABLO  LAGUNA – Sa liblib na lugar sa tahanan  ng pamilya  Rendon , Pinagtataga hanggang sa ,mapatay ang mag asawa na sina Bay Rendon 40 anyos ,Maricel Rendon 24 anyos at ang mga anak nitong sina Jomari Rendon  5 taong gulang , Jay-em  7 anyos at Marijoy 2 buwang sanggol ,na walang awang pinagtataga ng mga nahuling suspek na sina Ernie Tambuong  19,at Elmor Tamuong Sr. 48 anyos na tubong Bicol Camarines Sur, maswerte namang nabuhay subalit sugatang lubha si Margie Rendon  8 taong gulang  na siyang nakatakas at humingi ng saklolo.


Ayon kay Hersenito Contreras lolo ng mga napatay na biktima pasado alas dose ng hating gabi ng puntahan siya ng kanyang apo na si margie na lubhang sugatan at agad  nitong ikinuwento ang malagim na pangyayari sa kanilang tahanan

Kaya naman agad naman daw siyang  humingi ng tulong sa  barangay,  kasama ang mga barangay tanod ay agad silang nagtungo sa bahay ng mga apo at dito tumambad sa kanila ang duguan at walang buhay na sina Bay at Maricel at ang mga anak nito na sina Jomari, Jay-em at Marijoy


Ayon pa sa kanya  buhay pa ang kanyang anak na si Maricel ng kanilang  madatnan na agad naman nilang isunugod sa San Pablo Hospital at habang sila’y nasa daan ay ibunubulong pa ng kanyang  anak na hinahalikan pa siya ni Elmor habang tinataga , pero sa kasamaang palad binawian narin ito ng buhay sa paggamutan.


Dagdag pa ni Lolo Hersenito bago ang karumal-dumal na pangyayari bandang alas otso ng gabi ay nakita pa daw nitong nag iinuman ang mga suspek sa mismong tahanan ng mga biktima kaya hindi maalis aang posibilidad na nag-karoon ng pagtatalo ang mga ito tungkol sa pagkamatay ng kabayo ng isang taga San juan na ang Suspek ay ang mag amang Tambuong .


sila yung suspek ng pagpatay ng kabayo  yung si  bunoy yung na  nakapatay  hindi sa amin yun dun  sa taga  San juan  matagal na may tatlong buwan na ang nakakalipas ,nag iiunaman baka dun nagkainggitan sila  baka may naamoy sila doon sa aking manugang  kaya binalikan nilaani  Lolo Hersenito


Nahuli ang mga suspek  bandang alas-tres ng madaling araw ng San Pablo police sa mismong  tahanan ng mga ito di kalayuan sa bahay ng pamilya Rendon , nuong una di umano’y  itinatanggi pa ni Ernie ang krimen ngunit sa  huli ay inamin di niya  sa autoridad ang pagpatay

Sa kasalukuyan  sinampahan na ng kasong   4 counts of murder at 2 counts of  frustrated murder ang mag amang Tambuong .

Samantala nakalagak na ang mga bangkay ng mga Rendon sa simbahan ng Santa Felomina sa San Pablo , habang si Margie naman ay nasa pangangalaga na ng DSWD- CJ ALCANTARA


1pnp



CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Add comment


Security code
Refresh