Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Estudyante ng UPLB, Natagpuang Patay

  • PDF
User Rating: / 2
PoorBest 

LOS BAŇOS, LAGUNA. Natagpuan ang isang bangkay ng babae malapit sa International Rice Research Institute (IRRI) bandang 6:30 ng umaga ng Lunes, ika-10 ng Oktubre. Kinilala ang babae sa pangalang Given Grace Cebanico, BS Computer Science ’09 ng Unibersidad ng Pilipinas- Los Baños at isang DOST scholar. Sa naging pagsusuri ng mga kinauukulan, nakitang nakagapos ang kanyang mga kamay at may tama ng bala sa may noo. Gayundin, malaman na siya ay walang awang pinagbubugbog at ginahasa bago tuluyang pinatay ng mga salarin.


Isang misa naman ang inalay ng buong komunidad ng UPLB kaninang ika-10 ng umaga sa St. Therese of the Child Jesus Parish, College, Los Baños. Dinaluhan ito ng kanyang mga malalapit na kaibigan, kaklase, at ng iba pang nakisimpatiya sa kanya. Nakatakda namang iuwi ang kanyang mga labi sa kanyang tahanan sa Rizal kung saan rin siya ililibing.


Maliban dito, isang kampanya ang inilunsad ng buong komunidad ng UPLB kung saan inilagay ng mga estudyante at alumni ng nasabing pamantasan ang “Justice For Given” sa kani-kanilang Facebook account. Hinihiling naman ng University Student Council (USC) ng UPLB na agad maaksyunan ang nasabing krimen na nangyari sa loob ng pamantasan, isang pangyayari na silbing tanda para sa pamunuan ng UPLB na paigtingin ang seguridad ng mga nasa loob ng unibersidad.--JMJOSE

uplb-student

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER 

 


Last Updated on Friday, 14 October 2011 04:51

Add comment


Security code
Refresh