Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

2 PEKENG DENTISTA SA LAGUNA, INARESTO NG CIDG4A

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

 

CAMP VICENTE LIM LAGUNA-----BUMAGSAK sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang pekeng dentista na matagal ng minamanmanan ng mga kagawad ng Criminal Investigation and Detection Group 4A sa Lalawigan ng Laguna.

Kinilala ni Police Sr. Supt. Edwin Jose Nemenzo, Regional Chief ng CIDG4A ang mga naaresto na sina;Ruel Songcaya y Alcantara, 40 taong gulang, Dental Technologist, residente ng Barangay Mayapa, Calamba City Laguna at Julius Cervantes y Tamayo, 44 na taong guang, residente ng Barangay Banlic, Cabuyao, Laguna, pawang may-asawa.

Sinabi ni Police Supt. Archival Macala, tagapagsalita ng CIDG4A na ang dalawa ay matagal na umanong nagsasagawa ng kanilang operasyon at nagpapakilalang mga dentista. Ngunit pawang walang mga lisensiya mula sa Professional Regulatory Commission (PRC).
Ang pag-aresto ng mga awtoridad ay kaugnay sa  reklamo ng miyembro ng Philippine Dental Association (PDA) sa katauhan ni Apolinario A. Alzona, ng PDA Laguna Chapter.

Nagpanggap na pasyente si SPO2 Ramon Makalintal, kaya naaresto ang dalawa ng grupo na pinamumunuan nina; Police Chief Inspector Benjie Calapiz, Hepe ng Intelligence & Investigation Section ng 4ARCIDU at Police Chief InspectorAgosto Daskeo, ng NCR-CIDU.
Nakuha ng mga awtoridad ang ibat-ibang mga gamit at aparato na ginagamit ng mga dentista, at sinampahan na ng kaso sa Calamba Prosecutor's Office ng Violation of RA 9484 (Philippine Dental Act of 2007), Pansamantalang ipiniit sa CIDG4A Jail ang nasabing mga suspek. ( Arlene P. Mariposque)
1pnp

 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER

Last Updated on Wednesday, 12 October 2011 04:42

Add comment


Security code
Refresh