Pinagkaguluhan ng mga resident eng Brgy. San Antonio, San Pedro Laguna ang isang lalakeng natagpuan sa madamong lugar malapit sa kalsada ng nasabing barangay na nakahubad, nakadapa, may tali ang kamay at may masking tape pa ang ulo.
Ayon kay Benny Mora, miyembro ng Barangay Security Force, isang babaeng nagpakilalang “Rose” ang nagtungo sa kanilang barangay at nagbigay ng impormasyon sa kanila tungkol sa isang lalake na nakabulagta at wala ng buhay.
Dagdag pa ni Mora na maaring sa ulo ang tama ng biktima na naging sanhi ng pagkamatay nito dahil sa dugo na nakita dito, hinihinala din na maaaring sa ibang lugar ito pinatay at sa barangay lamang nila ito itinapon, pangalawang beses na ngayong taon na may natagpuang patay sa kanilang lugar.
Samantala bukod sa taas nitong 5’6’’ hanggang 5’8” at edad na 25 hanggang 30 gulang ay wala ng iba pang pagkakakilanlan sa biktima- CJ ALCANTARA

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Tuesday, 11 October 2011 07:04