![]() | CALAMBA CITY, Laguna, - Nagsagawa ang Department of Welfare and Development (DSWD) 4A Regional Director Wilma Naviamos kasama sina Department of Health (DOH) 4A Regional Director Dr. Juanito Taleon at National Statistics Office (NSO) 4A Regional Director Rosalinda Bautista ang paglulunsad ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) Oktubre 5 sa Yazaki-Torres sa lunsod na ito noong Oktober 8, 2011.Ipinaliwanag ni Naviamos na ang NHTS-PR ay alinsunod sa Executive Order No. 867 na inilabas noong 2010 na isang sistema na tutukuyin kung sino-sino at nasaan ang mga mahihirap sa bansa, ang kanilang kasarian gayundin ang edad nila. |
Bagamat hindi dumating si DSWD Sec. Dinky Soliman sa naturang programa dahil kasama ito ni Pangulong Noy-noy naging matagumpay naman ito sa tulong ng mga Government Officials, iba't ibang sangay ng pamahalaan.
“Ito ang pagbabasehan ng listahan ng mga dapat kasama sa mga programa ng pamahalaan katulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o Conditional Cash Transfer (CCT) at iba pang social services na ipagkakaloob ng pamahalaan,” sabi ni Naviamos.
Sinabi naman nina Dr. Taleon at Arturo Ardiente na kinatawan ng Philhealth na napakalaking tulong sa kanilang ahensya ang mga datos na makukuha ng NHTS-PR upang lalong matugunan ang pangangalilangan sa kalusugan ng legal na maralitang Pilipino na hindi na kailangang umasa sa mga referrals ng mga pulitiko.
“Hindi lang isang sangay ng tanggapan ng pamahalaan ang gumagalaw upang tumulong para maisakatuparan ang hangaring makatulong sa mga higit na nangangailangang sektor ng lipunan kundi ang lahat ng ahensiya ng gobyerno,” ayon pa kay Naviamos.
Ang paglulunsad ng NHTS-PR ay isa sa mga pangunahing hakbang para sa katuparan ng mga adhikain ng pamahalaang Aquino na maiparating ang serbisyo sa mahihirap na Pilipino na malaman kung nasaan at ilan pa ang mga mahihirap na mamayang pilipino, layunin nito na maging seryoso, totoo at tama ang detalyeng nakukuha upang tugunan ang pangngailangan ng mga mahihirap. ( Arlene P. Mariposque)
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph