Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

5 ARESTADO SA ILEGAL NA DROGA SA BINAN CITY LAGUNA

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

BINAN CITY LAGUNA------LIMA (5) katao ang inaresto ng Binan City Laguna Police sa isinagawang operasyon kaugnay sa anti-illegal drugs sa lugar ng Lang ka Street, Garcia Subdivision, Barangay San Antonio, Binan City, Laguna.


 

 

Ayon kay Police Supt. Leonard Luna, Hepe ng Binan City Laguna Police Station, nabatid na dakong ika-2:30 ng umaga ng maaresto ang nasabing mga suspek. 

 

Ang mga naaresto ay nakilalang sina; Lea Garci y Maliawao, alyas Lea, 23, may-asawa, jobless; nakatira saMacaria, Barangay Pacita, San Pedro Laguna; Edwina Nunez y Ong, alyas Egray, 40, dalaga, Augusto Yambao y Mercado, alyas August, 45, binata, pawang nakatira sa lugar na nabanggit; Claysa Ferwelo y Dipad, 24, dalaga, residente ng Pragmatic, Barangay Sto. Tomas, Binan City at Edgar Salido y Arroyo, alyas Edgar, 39, may-asawa, residente ng Honoria Subdivision, Barangay Dela Paz, Binan City, Laguna.


 

Nakuha sa pag-iingat ng Lima ang mga sumusunod; 1 binalot sa plastic na maliit na shabu, 17 piraso na maliliit na binalot sa plastic na shabu (110 gramo lahat), 1 kilohan, Isang bundle ng maliliit na plastic, Isang Gunting, Isang itim na shoulder bag, isang disposable lighter at marked money. 

 

Ang mga naaresto ay pansamantalang nakapiit ngayon sa Binan City Police Station Jail, habang ang nakuhang mga ebidensiya ay dadalhin sa PNP Regional Crime Laboratory Office 4A sa Canlubang Laguna para suriin.


 

Ang mga naarestong suspek naman ay ipaghaharap ng kasong Violation of RA 9165 (illegal Drugs) ni PO2 Serafin Gapunuan, na isasampa para sa korte. (Arlene P. Mariposque)

1pnp


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Add comment


Security code
Refresh