Patay ang apat na taong gulang na bata na nakilalang si Rommel Gonzales matapos itong matabunan ng gumuhong lupa na may kasama pang mga bato maaalas tres ng hapon (Oct 07)sa St Sitio Hiillside Brgy San Antonio San Pedro Laguna. Sinabi ni Laguna Provincial Director S/Supt Gilbert Cruz bahagi ng isang sementeryo sa nasabing barangay ang gumuhong lupa na agad na kumitil sa buhay ng apat na taong gulang na bata at ikinasugat ng tatlo pang mga minor de edad na sina Loloy Navarro 9 anyos, Nonoy Navarro 11 anyos, Totoy Guevarra 3 anyos at ng isang ginang na si Leda Dang Bavarro na mabilis namang narespondehan ng mga rescuer.
Agad silang isinugod sa Amante Clinic at makalipas lamang ang ilang oras ay inilipat na sa Philippine General Hospital sa maynila
Bukod dito nawasak din ang limang bahay na nabagsakan din ng malalaking tipak ng lupa, putik at bato,kaya naman agad na pinalikas ng local na pamahalaan ng San Pedro ang mga residente sa lugar na maaaring maapektuhan ng landslide at upang maiwasang maulit muli ang insidente
Dagdag pa ni Director Gilbert Cruz na ginawang quary site ang lugar kaya naging prone ito sa landslide at talagang mapanganib sa mga residente lalo na ngyong panahon ng tagulan at sa tuwing may sama ng panahon- CJ ALCANTARA

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph