Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

WANTED NA KARNAPER, NAKORNER NG MGA AWTORIDAD

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 


CALAMBA CITY, LAGUNA-----WALA ng lusutan pa ang isang Wanted Person na may kasong Carnapping sa Calamba City Laguna, matapos na makorner ito ng mga kagawad ng Calamba City Police sa hideout nito sa Barangay Parian ng nasabing lunsod.

Kinilala ni Police Supt. Joel C. Pernito, Hepe ng Calamba City Police Station ang naarestong suspek na si; Bryan Basilisa y Dicalit, 30 taong gulang,  binata, jobless, residente ng Barangay San Cristobal, Calamba City, Laguna.


Ayon kay Police Supt. Pernito, dakong ika-7:30 ng umaga ng salakayin ng elemento ng Calamba City Police ang pinagtataguang  kuta nito sa Barangay Parian, ng nasabing lunsod.  Ang mga pulis ay armado ng Warrant Of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Jesus Santiago ng Regional Trial Court (RTC) Branch 34, ng Calamba City, at may kinakaharap umanong kasong "Carnapping" si Basilisa sa nabanggit na korte.

Hindi na nagawa pang takasan ng suspek ang mga pulis ng mapalibutan ang bahay na kanyang pinagtataguan sa Barangay Parian at hindi na rin nito nagawang lumaban pa sa mga awtoridad.


Ang suspek ay nakapiit sa Calamba City Police Station Jail, at sinasabing may kasong Violation of RA 6539 (Carnapping) at may CC Nr. 9609-2002-C at maaaring magpiyansa ng halagang P180,000.00 pesos sa korte para sa pansamantala nitong kalayaan. ((Arlene P. Mariposque)

 

1pnp


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Add comment


Security code
Refresh