Kamakailan ay nabalita ang naganap na carnapping sa Brgy. Darasa, Tanauan City, Batangas kung saan tatlong di kilalang lalaki sakay ng isang van ang humarang sa isang truck papuntang Goldstar Iceplant, tinutukan ng baril at piniringan ang mga sakay nito. Nakilala ang mga biktima na sina Roderick Watan Olim, 38, driver ng truck; Dranreb Parnatilla Blanco,33 at Henry Macahia Ramilo, 35 pawang resident eng nasabing luggar. Ayon sa salaysay ng mga biktima sumakay ang isa sa suspek sa truck at matapos ang 15 minuto inilipat sila nito sa van, patuloy sa pagtakbo ang van at makaraan ang 20 minuto pinababa sila sa damuhang bahagi sa Brgy. Malaking Pulo, Tanauan City at ddon na sila nakahingi ng tulong.
Sa pagtutulungan ng RSOG, PPO4A, Calamba CPS, RIU PRO4A at PIB Laguna PPO, gumawa sila ng plano upang mahanap ang truck at ang mga suspek sa carnapping. Naglagay sila ng pulis sa bawat lugar sa region para sa checkpoint.
Bandang 8:30 ng gabi noong Setyembre 30, may natanggap na tawag ang PNP Calamba na sinabing namataan ang truck sa Brgy. Makiling, Calamba City papuntang Maynila. Lumampas ito sa Brgy. Real checkpoint at habang sakay sa motorsiklo sina SPO2 Virgilio Borero, SPO1 Dominador Barairo at PO1 Abelardo Maala sinundan nila ang truck upang malaman ang miyembro ng carjackers at hideout nito. Napagalaman na ang truck ay dinala sa Jr’s Junkshop sa Brgy. Masile, Calamba City kung saan ang nasabing junkshop ay matagal ng minamatyagan ng mga pulis dahil may nakapagsabi na dito dinadala ang mga carnap na sasakyan.
Bandang 11:00 ng gabi noong araw ding yaon sa pinagsamang puwersa ng grupo ni PSUPT Randy Q. Peralta, Calamba CPS PSUPT Joel C. Pernito, RIU4A- PINSP Guevarra at Laguna PIB- PSUPT Ronald D. Mendoza ay nagsagawa ng raid sa junkshop, nahuli ang mga suspek at narekober ang mga nakaw na sasakyan at items.
Samantala, ang mga suspek maging ang narekober na items ay nasa ilalim ng imbestigasyon ng Calamba City Police Station at patong patong na kaso dahil sa paglabag ng batas ayon sa RA 6539 (Anti- Carnapping Act of 1972), RA 9165 (Dangerous Drug Act of 2002) at RA 8294 ( Illegal Possession of Fire arms and Ammunitions) laban kina Bernardo Apuntar, Roger Navales at Romeo Bacoto.
Inaasahan na patuloy ang pagbaba ng insidente ng carnapping sa CALABARZON dahil sa paghuli sa Melvin Estrada Carnapping Group.---MJ PEDRAJA
ARRESTED CARNAPPING SUSPECTS



CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Wednesday, 05 October 2011 07:58