Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Kantina ng Calamba City Hall, Nakatakdang Mag-umpisa Ngayong Oktubre!

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Nakatakdang pangasiwaan ng Calamba City Employees’ Multi-Purpose Cooperative (CCEMPC) ang kantina ng Bulwagang Pang-pamahalaan ng Calamba, kung saan hangad nila na ituloy na ang operasyon sa kalagitnaan ng Oktubre ngayong taon. Sa pahayag ni Bb. Maria Dolores Armamento, tagapangulo ng CCEMPC, ang kanilang kooperatiba ay magsisimula sa kanilang operasyon sa oras na matapos ang ilang detalye tulad ng mga manggagawa, aplikasyon ng mga concessionaire, at espasyo ng kantina.


Ang proposisyong ito, na akda ni Kgg. Christian Niño S. Lajara, tagapangulo ng Komite ng Prangkisa, Transportasyon, at Utility, ay isinagawa bunga ng ideya na dapat bigyan ng kapangyarihan ang mga kooperatiba sa Lungsod ng Calamba nang sa gayon ay mabigyan sila ng oportunidad upang lumago at umunlad.


Sa panukala na CCEMPC, isinaad ni Bb. Armamento ang mga sumusunod na plano sa pansamantalang kantina na itatayo sa loob ng gusali ng pamahalaang lungsod:

-Pag-iimbita sa mga miyembro ng CCEMPC upang maglagay ng kani-kanilang puwesto ng pagtitinda;

-Pag-iimbita sa mga kasalukuyang nagtitinda na lumilibot sa gusali upang magpuwesto rin sa kantina;

-Pagtitinda ng “binalot” sa kantina upang maiwasan ang pagkaabala sa mga opisina ng mga nagtitinda; at

-Paglalagay ng kiosk o food cart sa mga magtitinda ng merienda, tulad ng siopao, siomai, at rice-in-a-box.

 

Dagdag pa, balak rin ng CCEMPC na mag-lagay ng kiosk o food cart sa basement level ng gusali ng pamahalaang lungsod upang serbisyuhan ang mga mamamayan na nag-aantay sa mga tanggapan sa nasabing lugar. Bukod rito, nais rin ng CCEMPC na tuluyan nang aprubahan ng Punonglungsod ang kanilang panukala upang magtayo ang lokal na pamahalaan ng Calamba ng hiwalay na gusali upang magkaroon ng maayos ng operasyon ang magkakantina. Matatandaang isa sa detalye ng kasalukuyang lugar ng kantina ay ang kawalan ng cooking and washing area. Ang nasabing panukala ay nakabalangkas rin sa development plan ng Calamba, kung saan dati na ring balangkas ito noong may nagkakantina pa sa dating gusali ng munisipyo ng Calamba pa noon.


Ang pangasiwaan ng CCEMPC para sa operasyon sa kantina ay nakatakdang pag-usapan sa ilalim ng isang ordinansang ipinapasa sa ilalim ng Komite ng Kooperatiba. Sa ngayon, patuloy pa rin na mag-aantay ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan upang pormal na magbukas ang kantina sa ilalim ng bagong pamamahala.

 

canteen


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER


 

Add comment


Security code
Refresh