Matapos bumisita si Pangulong Benigno Aquino III sa Estados Unidos, ipinagmalaki nito ang milyong dolyar na investment ng dalawang kompanya para sa tinaguriang Coco Water. Ikinagalak naman ito ni Laguna Governor Jeorge E.R. Ejercito dahil malaki ang produksyon ng buko at niyog sa kaniyang lalawigan, partikular na sa San Pablo at Los Baños. Bukas ang Pamahalaang Panlalawigan na maging angkatan ng Coco Water. Nabalitang milyong dolyar na investment ang inilagay sa coco water ng Hollywood Pop Star na si Madonna. Ayon pa sa kanya ay mayroong electrolytes at iba’t ibang mga minerals ang inumin.

Photo: filtersfast.com
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Wednesday, 05 October 2011 08:28