Calamba City, Laguna/September 25, 2011---Sa naganap na ‘Talakayan sa PIA IV-A’, naging pambungad na pahayag ng panauhing pandangal at tagapagsalita na si Assistant Regional Director Alex Avila ng Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (DOLE) na “Ang Calabarzon Region ay itinuturing na pangalawa sa pinakamalaki at pinakamahalagang rehiyon sa buong bansa kasama ang NCR na may magandang kombinasyon ng Agrikultura at Industriya na wala sa ibang rehiyon”.
Layunin ng kanilang tanggapan ang pagpapanatili ng katiwasayan at kapayapaan sa larangan ng industriya. Malaking ang kanilang bahagi ng pagpapaunlad ng Calabarzon sa larangan ng paggawa at hanap-buhay. Sa pangunguna ni DOLE Secretary Rosalinda D. Baldoz, pinagtutuunan ng pansin ngayon na mapaganda ang kondisyon para makalikha nang mas marami pang trabaho sa ating bansa, dagdag pa niya. Target ng kanilang tanggapan na makalikha ng isang milyong trabaho bawat taon.
Ayon sa pagaaral 90 porsyento sa mga manggagawa ditto ang nasa informal sector o mga manggagawa na walang employer, walang permanenteng trabaho, hindi sapat ang kinikita at walang social protection program ng gobyerno. Kasama na rito ang mga OFWs na nasa pangangalaga ng tatlong malalaking ahensya na kinabibilangan ng DOLE, POEA at OWWA.
Samantala, ayon sa katanungan ni Mr. Daniel Castro ng DZJV 1458 na marami sa mga kompanya ang hindi nagpapasweldo nang higit o wala sa minimum wage particular na sa lalawigan ng Laguna na ang dahilan ay maliit pa ang kanilang kinikita.
“Talagang nangyayari ito hindi lang sa Calabarzon region maraming kumpanya ang hindi nagpapasweldo ng naaayon sa batas, kung saan kadalasan sa security agencies na nasasakupang ng sub-contractor, pahayag ni Avila.
Gayon pa man, nasa DOLE ang kapangyarihan ng pagpapatupad ng minimum wage, overtime at premium pay ang ISO Social Security tulad ng hindi pag-remit ng mga kontribusyon ng Pag-ibig at SSS ng mga manggagawa, dagdag ni Avila. Sa ngayon sa kanilang isinasagawang proyekto, pinagtutuunan ng pansin ang Enforecement Program kung saan iniikot nila ang mga fastfood chains, security agencies at iba pang kumpanya nang biglaan at hindi maipagkakaila na marami sa mga ito ang lumalabag sa labor standards. May sapat na kaparusahan ang sinumang kumpanya na lalabag dito. Samantala, bukas ang DOLE sa mga reklamo at hinaing ukol sa usapin sa pagitan ng emleyado at employer.

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Monday, 26 September 2011 06:51