CALAMBA LAGUNA--- Nauwi sa aksidente ang masaya sanang planong overnight swimming sa pansol ng magkakabarkadang galing pa ng Blumentrit, Manila dakong alas 10:30 kagabi sa Brgy. Real, Calamba (Sept 24). Lulan sila ng isang pampasaherong jeep na may plakang NYZ860 na minamaneho ni Randy Arellano 24 anyos.
Ayon kay Randy Martinez pinsan ng biktimang si Alex Martinez, 37 anyos tubong Pangasinan, galing sila sa kanilang pinagtatrabahuhang lumber sa Brgy Parian, patungo sana sila sa kapatid ni Alex malapit lamang sa kanilang pinapasukan upang sunduin, sakay sila ng kanilang bisikleta .
Dagdag pa ni Randy patawid na sila ng kalsada ng makita niya ang isang pampasaherong jeep na pasuray suray sa daan agad siyang huminto subalit ang biktimang si Alex ay tuloy tuloy sa pagtawid kaya’t nasalpok ito ng rumaragasang jeep.
Akala ni Randy sa lakas ng pagkakabangga titilapon na ang kaniyang pinsang si Alex sa kalsada subalit taliwas ito sa nangyari, panu kasi sumabit pala ang damit ni Alex sa unahang bahagi ng bumper ng jeep tuloy nakaladkad pa ito ng ilang kilometro, sa katunayan sa may tapat na ng mall sa Crossing tuluyang huminto ang sasakyan, bagay na lubos na ikinagalit ng mga bystander sa driver ng jeep na si Randy Arellano dahil hindi ito humihinto sa pagtakbo kahit sinisigawan na nila na may nakakaladkad siyang tao.
Paliwanag naman ng driver na si Arellano na wala daw preno ang kaniyang sasakyan at kaya lamang siya napahinto ay dahil sa nag engine break na daw siya, pero ang masaklap hindi bumida ang paliwanag niyang ito sa mga bystander at sa mga nakakita kaya naman nakuyog pa siya. ang kaniyang mga kasamang barkada naman dahil sa takot ay parang bula na mabilis na naglaho.
Tumigil lamang ang tensyon ng dumating na ang mga pulis Calamba at ang ibang kaanak ng mga biktima na agad na nagdala sa Calamba Medical Center. Kritikal ang kalagayan ng biktimang si Alex at bukod sa mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan halos mabura ang mukha nito dahil sa layo ng pagkakaladkad sa kaniya ng jeep.
Nahaharap sa kasong Reckless in serious physical injury ang driver na si Randy Arellano--- CJ ALCANTARA

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Tuesday, 27 September 2011 03:38