Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

KONTRA SA BUDGET CUT SA MGA STATE UNIVERSITIES AT COLLEGES, DUMADAMI ANG BILANG

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 


Inuulan ng suporta ngayon ang panawagan ng mga iskolar ng bayan at mga administrador ng mga pampublikong pamantasan na tutulan ang nakaambang muling budget cut ng administrasyong Aquino sa mga State University and Colleges(SUCs) at dagdagan ang badyet para rito.

 

ANG PANAWAGAN

Muling nananawagan ang Kabataan Partylist at National Union of Students in the Philippines (NUSP) sa administrasyong Aquino na huwag bawasan ang mababa nang badyet para sa mga SUCs. Ayon kay Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino, kinaltasan ng P21.89 bilyong na badyet para sa SUCs sa proposed national budget para sa taong 2012 at wala ni pisong natira para sa Cash Outlay (CO) budget.


Ang University of the Philippines (UP) ay nagkaroon ng P1.3 bilyon n CO budget noong 2010 subalit wala nang nakalaan para rito ngayong taon tulad rin sa 112 SUCs sa bansa. Apatnapu’t limang unibersidad naman ang kinaltasan ng P250.9 milyon sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) o ang bayad para sa kuryente, tubig at pagme-maintain sa mga gusali. Kataka-taka naman ang pagbaba ng P403.3 milyon sa Personal Services (PS) o pambayad sa suweldo ng mga kawani kahit na sa pagpapatupad ng Salary Standardization Law.


Nitong nakaraang linggo lumabas sa Quacquarelli Symonds (QS) World University Rankings na walang unibersidad sa bansa ang pumasok sa Top 300 Universities sa bansa. Unang beses itong nangyari sa kasaysayan ng QS World University Rankings. Ito ay tuwirang replekyon sa pagpapabaya ng gobyerno sa mga pampublikong pamantasan at sa pagpapaubaya sa laganap na komersiyalisasyon sa mga SUCs.

Kasabay rin na nananawagan ang mga administrador sa Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) at iba pang youth organizations upang pataasin ang badyet ng mga SUCs. Naglabas ng unity statement ang iba’t ibang organisasyon at sektor upang pigilan ang pagkaltas sa badyet sa edukasyon, partikular sa mga SUCs. Panawagan nila na baligtarin ni Pangulong Benigno Aquino III na gamitin ang kanyang kapangyarihan upang baligtarin ang trend ng state abandonment of public education.

Sa kabilang banda, binigyan naman ng malaking badyet ang kontrobersiyal na Conditional Cash Transfer ng P18.3-B o 86% na pagtaas at maging ang Public-Private Partnership na may increase na P7.1 bilyon.


Isang pambansang aksyon at pagkakaisa para sa amataas na badyet sa edukasyon ang magaganap sa Setyembre 19-23.

 

TODO-SUPORTA

Sumabay na rin sa panawagan ang ilang mambabatas upang bigyang pansin ang mababang badyet ng mga SUCs. Nanawagan si Palatino at San Juan Rep. Joseph Victor “JV” ejercito sa kanilang mga kapwa kongresista na tugunan ang kakulangan ng public tertiary education sa susunod na taon.

Nagsuot ng puting ribbon bilang protesta ang mga kongresista na tutol sa SUC budget cut. Ilang proposal rin ang lumutang sa deliberasyon tulad ng P2-B lump sum fund sa mga bakanteng posisyon at paglipat ng P39-B na bahagi ng Conditional Cash Transfer Program sa badyet ng mga pamantasan.

“If the Executive refuses to recognize the importance of substantially increasing the budget of our public higher education institutions, then Congress should make a clear stand in support for our SUCs. We laud our esteemed colleagues, SUC officials, youth groups, and concerned sectors who are fighting for our public tertiary education and the future of our nation,” ayon kay Palatino.

Kaisa na nanawagan rin sa mataas na badyet para sa mga pampublikong pamantasan sina Bayan Muna Reps. Teddy Casiño at Neri Colmenares, Gabriela Reps. Emmy de Jesus at Luz Ilagan, Anakpawis Rep. Rafael Mariano, ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy, Cagayan de Oro Rep. Rufus B. Rodriguez, Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, Aurora Rep at Chairman of House Committee on Higher and Technical Education Juan Edgardo Angara at Nueva Ecija Rep at Vice Chair of Committee on Appropriations Josefina Joson.


Sumali rin sa panawagan ang Commission on Higher Education (CHED) Chairman Patricia B. Licuanan nang magpalagay siya sa mga lider-setudyante ng NUSP nang puting ribbon sa kanyang braso. Sumama na rin ang simbahan sa katauhan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo at Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa pagpapataas ng badyet sa mga SUCs.


Pangunahing kritiko si Palatino sa polisiya ng Department of Budget and Management na sistematikong pagbabawas hanggang maisapribado ang mga SUCs batay sa pag-aaral ng World Bank. Noong isang taon, sa pamamagitan rin ng mga panawagn ay hindi nakaltasan ang badyet sa edukasyon bagkus ay nabigyan pa ng dagdag na badyet.---mATT PALENTINOS

pup


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER


Add comment


Security code
Refresh