Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

500 Estudyante ng UPLB Nakiisa sa Nationwide Campus Strike VS. Budget Cuts

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

 

Watch Related Video

 

 

Dahil sa napipintong budget cuts o pagtapyas ng pondo sa edukasyon sa ilalim ng Aquino’s national expenditure program 2012 nakiisa ang 500 estudyante, mga guro, mga empleyado at administration officials sa pangunguna ng Save our education movement sa  oblation ground sa UP Los Baños sa nationwide campus strike.


“Yung salary ng mga administrador at mga propesor, nakakapagtaka sa taong ito at sa sususunod na taon na ito ay hindi naman tayo nagbabawas ng faculty sa unibersidad ng pilipinas so nakakapagtaka din na dapat fixed yung amount sa personal services pero nababawasan pa din” pahayag ni allen lemence spokesperson ng SOEM

 

Naniniwala kasi ang mga estudyante ng up na malaki ang nagagawa ng puspusang pagwewelga upang kanilang maiparating ang kanilang pagtutol at hinaing sa administrasyong Aquino.


Kaya naman habang nagiingay ang mga nagpopprotesta nagsunog sila ng isang kabaong na may nakasulat na edukasyon sa harap ng HUM steps sa loob ng campus, bukod dito naglagay din sila ng mga maliliit na krus sa paligid ng oblation na may nakasulat ding edukasyon na sumisimboliko anila sa kahirapan at pagdurusa ng mga guro at estudyante, maging ang oblation na sumisimboliko sa pagiging Malaya ay nilagyan ng saplot na kulay itim na may nakasulat na budget cuts.

Sabay sabay ding nag planking ang mga estudyante  bilang protesta nila sa anti planking bill na inihain sa congreso na naunang ginawa sa kamaynilaan nuong nakaraang nationwide transport strike ng grupong piston kung kayat naipanukala sa mababang kapulungan na itoy ipagbawal dahil bukod sa delikado ay nagdudulot ito ng pagkaantala ng mga sasakyan sa daan---CJ ALCANTARA

 

uplb


 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Last Updated on Saturday, 24 September 2011 04:30

Add comment


Security code
Refresh