Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

IKA-39 NA ANIBERSARYO NG MARTIAL LAW SINABAYAN NG KILOS PROTESTA NG MGA MILITANTENG GRUPO SA CALAMBA

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

CALAMBA CITY, LAGUNA--- Kasabay ng pagdiriwang ng ika-39 taong  anibersaryo ng pagkadeklara ng Martial Law sa panahon  ni dating pangulong Ferdinand Marcos  ay ang ibat ibang kilos protesta ng  mga militanteng grupo sa ibat ibang lugar sa bansa.

 

Kabilang sa mga nagprotesta ay ang Samahan Ng Alyansa Para Sa Karapatan Ng Maralitang Kalambenyo o AKMA sa tapat ng sikat na mall sa Calamba. Isinisigaw nila ang kanilang pagtutol laban sa programa ng pamahalaan na pagpapalit gamit ng lupa o Land used conversion o LCU na kagaya umano ng nangyari sa Brgy Canlubang kung saan ang kanilang dating tinatanimang lupa ay kinatitirikan na ng mga naglalakihang pabrika.

 

Dahil dito marami di umanong mga mahihirap na Calambeño ang mawawalan pa ng tirahan dahil sa programang ito ng pamahalaan sa katunayan nangangamba di umano ngayon ang mga nakatira sa tabing riles, baybay lawa, tabing ilog, Palingon, Lingga, Sampiruhan at sa mga komunidad na mahahagip ng LCU sa napipintong sapilitang pagpapaalis sa kanila o demolisyon.

Anila bagamat mayroong relokasyon sa Kay Anlog na inihanda ang lokal na pamahalaan ay mas gugustuhin pa nilang bumalik sa dati nilang tahanan dahil di umano sa kawalan ng kuryente sa lugar at kawalan ng pagkakakitaan.

 

Samantala, kinundina naman ng Kilusang Mayo Uno o KMU, Anakpawis, at AKMA ang  presensya ng 202nd brigade Philippine army na nakabase sa ibat ibang lugar sa Calamba partikular sa Sitio Buntog na bumubuwag laban sa mga mamamayan na tumututol sa demolisyon

 

“Ang 202nd brigade ng Philippine Army ay tumutulong di umano sa mga gawaing masa, sa mga medical mission, subalit ang kanilang pangunahing misyon ay supilin ang mga aktibista supilin ang mga mamamayan sa paglaban sa kanilang karapatan, kabilang pa dito ang ating mga maralitang taga lungsod,tabing lawa, tabing  riles, baybay  dagat, isa rin sila sa tinatamaan at isa rin sila sa ginagawang elemento ng batas militar.  Dahil dito maraming kabuhayan ang nawawala sa mamamayan partikular dito sa Timog Katagalugan kaya ang araw na ito ay isang araw ng paggunita at isang araw na pagkundina para iparating ng mga mamamayan ng Timog Katagalugan sa pangulong Aquino na bigyang daan at solusyon ang matagal ng suliranin ng taong bayan”. Pahayag ni Wenny Urgel, Secretary General ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan (KMU)--- CJ ALCANTARA

 


 

Watch Related Video on Youtube

 

welga-ml

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER


Last Updated on Thursday, 22 September 2011 13:45

Add comment


Security code
Refresh