Watch Related Video on Youtube
Bugbog-sarado sana sa kamay ng mga barker ng jeep ang dalawang lalakeng magkaangkas sa isang Honda wave na lango sa alak matapos umanong mambastos sa traffic enforcer ng CCTMO na si Jaime Pangiliinan sa tapat mismo ng sikat na mall sa Calamba kahapon ng alas 2:00pm.
Ayon kay Pangilinan sinaway niya ang dalawang lasing na sina Noel Diaz at Joel Dela Cruz kapwa residente sa Brgy Bankal Street Brgy San Antonio Los Baños dahil sa walang tigil na pagbusina ng kanilang sinasakyang motor sa nakahintong dalawang pampasaherong jeep na nagsasakay ng pasahero na nasa kanilang unahan na nagdudulot umano ng ingay at pagkairita sa mga pasahero.
Pero sa halip na makipagusap ng maayos ay binabalewala lang nila umano ang sinasabi ng CCTMO officer at nagtangka pang agad na umalis, kaya naman agad na tumulong ang mga barker ng pampasaherong jeep na harangin ang mga ito upang huwag makatakas.
Dahil dito nagalit ang mga lasing at naghamon pa ng suntukan laban sa barker na si Jess Villapando ng Calamba, buti na lamang at agad na dumating ang dalawang pulis calamba at mabilis na napahupa ang tension.
“Pinara ko tinulungan ako ng barker abay inaaway pa tumulong na kasi tatakbo eh” -CCTMO
Nahaharap ngayon sa mga kasong driving under the influence of liquor, reckless driving, unregistered vehicle, driving without license at disregarding traffic enforcer sina Noel Diaz at Jaime Pangilinan- CJ ALCANTARA

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Sunday, 18 September 2011 18:20