Ayon kay BFP Maj. Gerrand Agonos tinatayang umabot sa 1.2 milliong halaga ng bahay at ari arian ang natupok ng apoy kahapon sa Brgy Paciano Calamba (Sept 16). Sa inisyal na imbestigasyon Ng Bureau Of Fire Protection ng Calamba, nagsimula ang sunog bandang alas 4:45 ng hapon sa bahay ni Andy Gonzales dahil umano sa electrical short circuit. Dahil halos dikit dikit ang mga bahay sa lugar ay mabilis gumapang ang apoy at limang bahay pa ang nadamay. Ito ang bahay nila Ryan Palma, Ricky Gonzales, Silvestre Gonzales, Alipio Gonzales at Leovy Manglo.
Dagdag pa ni Maj. Agono ay mabuti na lamang at mabilis na naitawag sa kanila ang sunog sa lugar kung kaya’t naagapan ang mga bahay sa paligid na gawa sa light materials. Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at apat na fire trucks ang rumusponde.
Masuwerteng wala namang nasaktan o nasawi sa sunog na naideklarang fire control bandang alas 5:18 ng hapon at naideklarang fire out ng 5:40pm.
Sa mga kamag-anakan pansamantalang makikituloy ang mga nasunugan at umaasa silang tutulungan ng lokal na pamahalaan upang agad na maitayo ang panibago nilang bahay- CJ ALCANTARA

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph