Bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-150 Anibersaryo ng kapanganakan ni Rizal isinulong ni Ms. Liza Bayot ang great grand niece ni Rizal ang PreMYo Rizal. Ito ay nationawide letter writing contest at essay writing contest na bukas sa lahat ng mag-aaral na Filipino, sa sumusunod na kategorya: Elementary (Grade V and VI), Secondary (3rd and 4th year), at College level students.
Dahil ang Department of Education-Laguna ang nanguna sa pagtataas ng watawat sa Cultural Center of Laguna noong nakaraang lunes, tinawag NG Laguna Governor Estregan ang atensyon at pansin ng mga guro na alalayan ang mga mag-aaral na mahuhusay gumawa ng sulat o sanaysay para suportahan at hikayatin silang sumali sa nasabing paligsahan.
Ang mga mananalo ay maguuwi ng sumusunod na premyo:
Para sa Elementary at High School (sa isang hanay ng mga nanalo para sa bawat antas)
1st Prize: 10, 000,00 PHP
2nd Prize: 7, 000,00 PHP
3rd Prize: 5, 000,00 PHP
Para sa College Level (isang set ng mga nanalo para sa Ingles at Filipino)
1st Prize: 50, 000,00 PHP
2nd Prize: 30, 000,00 PHP
3rd Prize: 10, 000,00 PHP
Ang deadline para sa pagsusumite ng mga entry ay sa Oktubre 31, 2011 .Para sa karagdagang mga detalye, mga katanungan, at nada-download na mga form ng entry, mag - log on sa www.myrizal150.com.

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph