CALAMBA CITY LAGUNA-----TATLONG mga suspek na nang-agaw ng motor sa isang Pulis Laguna ang naaresto ng biktima sa lugar ng Barangay Bubuyan, Calamba City, Laguna.
Kinilala ni Police Supt. Joel C. Pernito, Hepe ng pulisya sa nasabing lunsod, ang biktima na si PO1 Alvin M. Santos, kagawad ng pulisya at nakatalaga sa Calamba City Police Station.
Ang mga suspek naman ay nakilalang sina; Raymart Galaclac y Robles, 18 taong gulang, Allan Gutting y Macaraig, 20 taong gulang at Joshua Garcia y Manubay, 18 taong gulang, mga binata, pawang mga walang hanapbuhay at residente ng lugar na nabanggit
Sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Ronald Monedo, nabatid na dakong ika-12:30 ng umaga, kamakalawa, habang ang biktima ay sakay ng motorsiklo nitong Honda na may plate number 7234-WI papauwi sa kanilang bahay, pagsapit sa madilim na lugar ay bigla na lamang itong hinampas ni Garcia ng kahoy na nailagan naman ng biktima.
Inagaw naman agad nina; Galaclac at Gutting ang motorsiklo sa pulis na biktima at nagawa pang patakbuhin, ngunit dahil sa madilim nga ang lugar at nag slide ang mga ito, nagpakilalang pulis ang biktima, tatakbo pa sana ang mga suspek, ngunit agad na naposasan ni PO1 Santos ang dalawa at inaresto naman ang isa pa.
Kulungan ang kinasadlakan ng tatlong karnaper, habang inihahanda naman ng pulisya ang papeles ng demanda na Violation of RA 7659 (Carnapping) para sa korte. (Arlene P. Mariposque)

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Comments
He's been killed with 10 gun shots wounds in different parts of the body. The 2 killers rode in a motorcycle. Nobody notice their face as they were covered it and immediately escape after they ensured that Behey Ocampo is really dead!
Is it really scary to live now there coz we dont know that in a split seconds [censored] will die.
I am asking the authority of Calamba Municipality to do something with that incident.
ISA LANG PONG MALAKING KATANUNGAN KUNG BAKIT KINUHA AGAD NG MGA PULIS ANG BALANG NAKUHA SA KATAWAN NYA SA OSPITAL?
ME OPISYALES PO BA NA NSA LIKOD NG KAGANAPANG ITO????
RSS feed for comments to this post