Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

SK NEWS: SK OFFICIALS, DADALO SA ISKOLAR BOS, SK DANCE CONTEST SA MAYAPA

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

 

sklogo

SK DANCE CONTEST SA MAYAPA

Isang Dance Contest ang inihahanda ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Mayapa sa darating na Setyembre 24 sa Camp Vicente Lim, Purok 3 Covered Court. Ito ay daan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na may husay sa pagsayaw na maipakita ang kanilang gilas at talento. Ang mananalong kalahok ay tatanggap ng pampremyong pera at trophy. Pangungunahan ni Mayapa SK Chairman Paolo Magnaye ang nasabing patimpalak.  Ang mga papremyo na tatanggapin ng una, pangalawa at pangatlong puwesto ay tatanggap ng P7000, P4000 at P2000. May P500 registration fee ang nasabing contest.

Para sa impormasyon maaaring makipag-ugnayan kina Magnaye (09053224824), at SK Councilors Kimberlee Llamas (09352007529) at Aira Driz (09173598790).


 


SK OFFICIALS, DADALO SA ISKOLAR BOS

Nakatakda sa darating na September 16-17 ang Integrated Sangguniang Kabataan Organizational, Leadership and Reorientation Seminar Program (ISKOLAR BOS) sa Wonder Island Resort, Calamba City.  Layunin ng ISKOLAR BOS na mabigyan ng sapat na kaalaman sa pagiging mahusay at epektibong mga lider ang mga Sangguniang Kabataan (SK) officials ng Lungsod ng Calamba. Naisin rin ng ISKOLAR BOS na baguhin ang kasalukuyang takbo ng pulitika sa pamamagitan ng pagpapakilala sa bagong pulitika, malinis na serbisyo publiko at pagpapapalakas sa sektor ng kabataan.  Nakasentro ang mga aktibidad sa nasabing programa sa apat na haligi ng paglilingkod sa pulitika, Maka-Diyos, Maka-Tao, Maka-Bayan at Maka-Kalikasan.  Maaaring makipag-ugnayan sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Sangguniang Kabataan Federation para sa impormasyon.


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

 

Add comment


Security code
Refresh