| BIYENAN TINAGA NG MANUGANG Quezon---Tinaga hanggang sa mamatay ang isang biyenan ng manugang nito matapos sermonan umano nito ang suspek habang sila ay nag-iinum ng alak kamakalwa ng hapon sa Barangay Buenavista sa bayan ng Mulanay, Quezon. Nagmistulang kinatay na karne ang katawan ni Reynaldo de Villa,56, habang nahuli naman ng pulisya ang tumakas na suspek na si Jeremy Daleon. Ayon kay PO1 Arby Resulla, nag-iinuman ang dalawa sa bahay ni De Villa nang sermunan nito ang suspek dahilan sa madalas na pang-aaway nito sa kaniyang asawa na nauwi sa pangsasaksak nito sa biktima. Napag-alamang umuwi ang suspek at pagbalik ay kaagad pinagtataga ang biktima. |
PULIS AKSIDENTENG NABARIL ANG SARILI, PATAY
Cavite--- Namatay ang isang 30 anyos na pulis makaraang tamaan ng bala sa ulo ng kanyang sariling baril habang nililinis nito sa kanilang bahay sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Our Lady of Pillar Hospital si PO2 Charlie Guitering ng Las Pinas City PNP na nakatira sa Blk. 9, Lot 41, Phase B, La Terraza Subd sa Brgy. Bucandala I, sa nasabing bayan. Lumitaw sa imbestigasyon na nililinis nito ang baril nang makalabit nito ang gatilyo at pumutok na tumama sa ulo nito. Kaagad naman isinugod ito ng kanyang misis sa nasabing ospital subalit binawian na rin ito ng buhay. Narekober ang cal.9mm pistol, cartridge at isang magazine na may pitong bala.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph