Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

FOOTBRIDGE: PAKUNSWELO DE BOBO NG SM SA MGA TAGA-CALAMBA?

  • PDF
User Rating: / 3
PoorBest 

 

Batid ng mga Calambeño ang  presensya ng patuloy na pagbabago sa usapin ng urbanisasyon sa lungsod ng Calamba. Ang urbanisasyon ay isang masalimout na proseso na nagaganap sa isang lipunan na kung saan  ang malaking bulto  ng mga tao mula sa mga lalawigan at probinsya ay patungo sa mga kalungsuran. Ang ganitong kaganapan ay patuloy na nangyayari sa lungsod ng Calamba bilang isang “first class component city” at idineklara ding “Regional Center” ng CALABARZON. Ngunit sa kabila ng mga titulong ito, ay ang mga suliranin na kaakibat ng malawakang urbanisasyon na nagaganap sa nasabing lungsod.


Noong nakaraang taon, naging matunog ang usapin ng pagpapatayo ng isang sikat na shopping mall sa Crossing, ang itinuturing na central business district ng lungsod. Ang pagdating ng pamosong shopping mall sa siyudad ay nangangahulugan ng pag-unlad sa kontekstong pang-ekonomiya na kung saan ang buwis na manggagaling sa nasabing kumpanya ay dagdag na kita para sa lokal na pamahalaan na siya ring dapat gamitin para sa mga proyekto at serbisyo sa mga nasasakupan ng pamahalaang panglungsod  ng Calamba. Kaalinsabay naman ng pagbabagong ito ay ang kaakibat na suliranin dulot ng pagpapatayo ng nasabing shopping mall. Isa sa matingkad na problema nito ay naaayon sa trapiko sa nasabing lugar na kung saan ayon sa mga mamamayan at mga nagmamaneho ng sasakyan ay lalo pang magiging sanhi ng matinding trapiko at aksidenteng panglansangan. Isa din sa nakikitang suliranin bunga ng pagkakatayo ng SM ay ang bantang paghina at kapag lumaon ay ang pagkalugi ng mga kalapit na negosyo. Nito nga lamang na pagpasok ng taon, pinangunahan ng pamahalaang panlungsod ng Calamba sa pamumuno ni Hon. Mayor Joaquin Chipeco at Rep. Justine Chipeco ang pagpapatayo ng footbridge na bumabaybay sa kahabaan ng National Road na nagmumula sa SM patungo sa interseksyon ng Crossing. Panibagong usapin na naman sa lungsod ang proyektong ito na kung saan ito ay pinondohan umano ng SM Prime Holdings Inc. na siya ring namamahala sa sikat na shopping mall.


Bilang isang mapanuring mamamayan, ating pagnilayan kung ano nga ba ang implikasyon ng pagpapatayo ng SM sa nasabing footbridge? Ito nga kaya ay para sa kaligtasan ng nakararami na siya ring layunin ng pamahalaang panlungsod ng Calamba? Kung sa usapin lamang ng problema sa trapiko at kaligtasan ng mga mamamayan, maaaring maging epektibo ang imprastrakturang ito. Ngunit batay sa perspektibo ng mga kalapit na negosyo na nakapalibot sa SM, ang footbridge umano ay isang mekanismo ng shopping mall upang maiderekta sa kanila ang malaking agos ng mga konsyumer o ang “marketing strategy” na tinatawag. Nangangahulugan itong malaking  kawalan sa kita para sa maliliit na negosyo samantalang ang siyang patuloy na pagtaas naman  ng kita para sa SM. Dagdag pa dito, kanilang pinangangambahan  ang pagkalugi ng kanilang negosyo na maging dahilan ng kanilang pagsasara. Sa kabilang dako, higit pa ang ikauunlad ng nasabing shopping mall lalo pa at maaaring batayan ang kanilang pagpapatayo ng footbridge bilang donasyon sa lungsod ng kanilang tax exemption. Sa panig naman ng pamahalaang panlungsod sa ilalim ng pamunuan ni Hon. Mayor Joaquin Chipeco, maaari nitong pahintulutan ang SM Prime Holdings Inc. na siyang nagpatayo ng nasabing footbridge ng tax incentives na kung saan, ito ay nakasaad sa

 

Seksyon 16 ng Calamba Investment Code.

 

 

 

Section 16. TAX INCENTIVES TO REGISTERED NEW ENTERPRISES- newly established registered enterprise qualified under this code shall enjoy the following tax incentives:

Registered new enterprises shall be exempt within two (2) years from the start of commercial operation from the mayor’s permit fees, building permit fees, including annual inspections fees, other fees and charges, and the tax on business imposed under Municipal Revenue Code of 1993 and:

     

    The following shall be allowed as deductions from the taxable gross sales/ receipts realized during the preceding calendar year by the registered new enterprise for a period of three (3) years starting the third (3rd) year of its commercial operations:


    • (i)A non-cumulative net operating loss carry-over equivalent to fifty percent (50%) of the loses in a given year as indicated in the audited financial statements.
    • (ii)Fifty percent (50%) of the approved research and development expenditures:
    • (iii)Twenty percent (20%) of the annual wages actually paid to newly-hired employees who are bona-fide residents of the municipality:
    • (iv)Fifty-percent (50%) of the approved expenditures on public infrastructure such as roads, bridges, drainage, etc. which are accessible to and used by the public:
    • (v)Expenditures on approved new skills training but not to exceed ONE HUNDRED TWENTY FIVE THOUSAND PESOS (₱125,000.00):
    • (vi)Twenty percent (20%) of the total cost of the development incurred by the registered company if they will develop a housing subdivision project for their employees.
    • (vii)One hundred percent (100%)of the total cost of educational scholarship granted to employees who are bona-fide residents of Calamba who want to finish tertiary education or further higher studies:
    • (viii)One hundred percent (100%) of the cost of equipments or physical facilities constructed by the registered company as donation to the local government of Calamba:
    • (ix)One hundred percent (100%) of the total installation cost of an effective and non-pollutive solid waste management system established by the registered company or donations made to the municipal government for the same purpose.
    • (x)One hundred percent (100%) of the total amount donated/voluntarily contributed to any social amelioration project of the municipal government like a comprehensive health care insurance for indigent families.



    Sa madaling salita, ang SM bilang isang higanteng kumpanya ang siyang magkakaroon ng higit na benipisyo sa usaping ito. Matatandaan na bago pa man magbukas ang nasabing shopping mall, ito ay nahaharap na sa mga alegasyon tulad ng hindi nito pagkuha ng prangkisa sa Sangguniang Panlungsod sapagkat kanilang pinapangatawanan na sila’y may permiso na galing mismo sa tanggapan ng punongbayan. Samakatuwid, ang ganitong pangyayari ay nagpapakita ng pagdomina ng SM sa lokal na ekonomiya ng lungsod. Idagdag pa ang ginawang “taktika”—ang pagpondo ng SM sa pagpapatayo ng footbridge upang lalo itong  makalikom ng mataas na kita mula sa mga konsyumer na kung saan ang malaking porsyento naman ng kanilang mga mamimili ay mismong mga Calambeño. Samantala, sa hanay naman ng mga kalapit na establisyemento, lalo naman silang mahihirapan sa pakikipagsabayan sa higanteng kumpanya na maaaring maging dahilan ng kanilang pagkalugi at bagkos ay mauwi sa kanilang pagsasara.


    Higit pa sana sa isang “footbridge” ang maaaring mapakinabangan ng mga Calambeño kung ang naturang kumpanya ay marunong sumunod sa tamang proseso. Kung ating susuriin, malaking halaga ang maaaring kitain ng pamahalaang panlungsod mula sa buwis ng SM ngunit tila nais takasan ng nasabing kumpanya ang kanyang responsibilidad bagkus ang pagpapatayo ng footbridge bilang pakonswelo de bobo upang mabawasan ang kanilang buwis ay siya ding binbigyang suporta ng pamunuan ni Mayor Joaquin Chipeco. Tila nga nabago na ang tunay na kahulugan ng serbisyo publiko—kung sino ang siyang malakas at makapangyarihan ay siya nang dapat katigan. At ang nakararami naman ay siyang pinapagdusa.---M.CANDANO


    RELATED ARTICLE: Ang "Daang Matuwid" Patungong SM


    foot-bridge


      CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

       

      DISCLAIMER

      Last Updated on Tuesday, 20 September 2011 01:25

      Comments  

       
      0#2seventeen172011-11-02 13:22
      Sa aking palagay malakeng kontribusyon naman ang footbridge sa bayan ng Calamba kung gagamitin ng ayos. At wala na rin tayo magagawa dahil nakatayo na ito.

      Napansin ko lang kasi na may footbridge na pero hinahayaan pa rin tumawid sa may tapat ng terminal. Kung kaya't nagdudulot pa rin ng trapiko sa may crossing. Saan ba talaga dapat tumawid? At para saan ba ang footbridge kung pwede pa rin naman palang tumawid kung saan saan?
      Quote
       
       
      0#1~:N:~2011-09-28 09:26
      opinion ko lang po, sa nakikita ko parang mas mabuti pang i obliga ang mga mga motorista lalo na yun mga driver ng PUV na maging disiplinado.

      kung ako ang tatanungin ang striktong pag papatupad sa batas trapiko pa din ang pinaka epektibong paraan para maibsan ang traffic sa bahaging yan ng calamba.
      Quote
       

      Add comment


      Security code
      Refresh