Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

DENGUE FORUM ISINAGAWA SA CALAMBA

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Ang Dengue ay isang lumalaganap at patuloy na kumakalat na suliraning pang-kalusugan sa buong mundo lalo na sa bansang ang klima ay tulad ng sa Pilipinas.

Pinaniniwalaang ang paglala ng sitwasyon ay sanhi ng kawalan ng plano, hindi makontrol na paglaki ng populasyon, suliranin sa populasyon, pagbabago ng panahon at kakulangan ng partisipasyon ng mga tao sa komunidad.


Ang City Health Office ng Calamba ay nagsagawa ng Dengue Forum para sa mga mamamayan nito upang ibahagi at bigyang kaalaman ang mga tao sa pagiwas at pagsugpo sa lumalalang sakit na ito. Bukod dito, ibinahagi rin nila ang mga datos sa bilang ng mga taong nagkaroon at namatay sa sakit, maging ang iba’t-ibang kadahilanan ng patuloy na paglaganap nito di lang sa bayan ng Calamba maging sa buong Region 4-A.

 

Naitala na noong 2010 ang reported dengue cases sa Region-4A  ay umabot sa 23,407 malaking pagkakaiba ngayong 2011 na nasa 8,386 lamang naipapakita sa mga tao ang mabisang pagaksyon ng pamahalaan sa suliraning ito sa pamamagitan ng door to door campaign at iba pang paraan tulad ng OL Trap, Misting at Fogging sa bawat barangay.


Sa Laguna naitala mula Enero 2009 hanggang Agosto 2011 na noong 2009 may 732 dengue cases tumaas noong 2010 na umabot sa 7, 646 at bumaba ngayong 2011 sa 1, 729.

 

 

denguechart1  dengue2

 

 

 

 

 

Noong 2010 panglima ang Calamba sa may pinakamataas na dengue cases sa Region 4A  bumaba ngayong 2011 na nasa pang-10 na lamang.  Sa kaso ng dengue sa Calamba naiulat na may namatay ng isa mula sa Barangay Saimsim sanhi ng sakit na ito na sinabing napabayaan at pinagwalang bahala ang sakit na pinagakalang lagnat lamang ito. Bunsod dito, patuloy ang pangangampanya ng  kawani ng pamahalaan upang maiwasan ang pagtaas ng kaso nito na nagiging sanhi ng pagkamatay. Pinapayuhan din ang marami na agad isangguni o ipacheck-up ang taong nilalagnat ng 2-hanggang 7 araw lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.


Hinihingi rin ang pakikiisa ng bawat mamamayan sa bawat barangay upang samasamang labanan at sugpuin ang dengue sa pamamagitan ng paglilinis ng bakuran at alisan ng tubig ang mga lugar na posibleng pamahayan ng lamok tulad ng sirang goma, dram na lalagyan ng tubig at maging ang mga alulod ng bahay kung saan naiipon ang tubig ulan. Ugaliin ding takpan ang dram na may lamang tubig at bahagya lamang iangat ang takip kapag kukuha ng tubig.


Samantala, ayon sa Department of Health kung hindi tayo magtutulong tulungan sa pagsugpo ng dengue asahan natin ang higit na pagtaas ng bilang ng kaso at mamamatay sa dengue.---MJ PEDRAJA


dengue-pic


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER


Last Updated on Wednesday, 14 September 2011 05:04

Add comment


Security code
Refresh