Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

AGRIKULTURA SA CALAMBA, BUMABANGON NA

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Sinasabing ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nabiyayaan ng mayayamang lupaing pang-agrikultural na pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng karamihan sa mga ninirahan sa bansa. Isa sa lugar na ito ang Calamba at ilan sa mga lugar dito ang nagtataglay ng mga lupang sakahan. Kabilang dito ang mga barangay ng Bungo, Burol, Palo Alto, Kay-Anlog, Hornalan, Majada, at Bañadero.


Ang mga matataas na bahagi ng Calamba ay natataniman ng iba't-ibang uri ng mais at iba pang mga uri ng pananim.  Dahil sa pabago-bagong panahon na nararanasan sa buong bansa, isa ang Laguna sa mga madalas daanan ng mga kalamidad. Isa ito sa mga nagiging dahilan ng pagkasira ng mga pananim na nagbubunsod sa pagbaba ng produksyon ng kanilang mga produkto. Ang malakas na hangin na dala ng mga bagyo ang pangunahing dahilan din ng pagiging limitado ng suplay ng mga produktong pandagat na inaangkat mula sa mga lugar na napalilibutan ng Laguna de Bay. Ayon kay G. Artemio Erasga, isang magsasaka ng Brgy. Palo Alto, maliban sa problema sa palagiang pagbagsak ng ulan na nakasisira sa irigasyon ng kanilang mga pananim, ang mga peste sa taniman ay isa din sa mga di maiiwasang suliranin sa kanilang mga magsasaka. Dahil sa mga ito, patuloy na bumababa ang demand at supply ng mga produktong kanilang inaani,bumababa ang demanda sa mga produktong kanilang ibine-benta, bumababa na din ang kanilang kita sa pagtatanim.


Upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon ukol sa mga problemang nararanasan ng mga magsasaka at mangingisda sa bayan ng Calamba, ang mga kinatawan ng Bureau of Agriculture Research ay nagsagawa ng isang Community-based Participatory Action Plan (CPAR)  para sa mga pananim at iba't-ibang uri ng mga pananim partikular na ang mga mais.  Ito ay isang programa ng Southern Tagalog Integrated Agricultural Research Center (STIARC) na isang sangay ng DA-BAR na partikular na tumutulong upang mapaghusay ang produksyon at mapataas ang kita ng halos sampung posyento mula sa dating kinikita nila. At halos labing limang poryentong pagtaas sa produksyon ng mga pananim. Ang mga bagong teknolohiyang ito ay ibinabahagi sa mga pamamagitan ng mga seminars at mga pagsasanay.


Kasabay sa pagpapaunlad ng mga pananim, ang pag-aalaga ng mga hayop na pangsaka partikular ng mga kalabaw at baka, ang isa din sa mga proyekto ng Integrated Farming System (IFS) ng DA-BAR. Ang mga dumi na nanggagaling sa mga hayop na ito ang magsisilbing pataba ng mga halamang nakatanim sa paligid.

Upang mas mapaunlad ang estado ng agrikultura sa bayan ng Calamba, maging ang mga miyembro ng Local Government Units (LGU) ay tumutulong na din upang mas maturuan ang mga magsasaka ng iba't-ibang kaalaman ukol sa mga uri ng mga pananim na bagay sa klase ng lupa at klima na mayroon sa lugar.---Marjorie Tan

farmer

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER



Last Updated on Wednesday, 14 September 2011 05:05

Add comment


Security code
Refresh