Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

AKREDITASYON NG MGA N.G.O. SA CALAMBA: Pagtugon sa DILG Memo Circular 2010-73 (Unang Bahagi)

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 


“Ang di pagsunod sa batas na ay nagdudulot ng mga di-kanais-nais na pakiramdam sa mundo. Basic human courtesy lang dapat, di ba?---Lourd de Veyra, Host, Sapul sa Singko/Vocalist, Radioactive Sago Project


Sa isang blog na akda ni Lourd de Veyra, tahasang niyang binanggit ang kahalagahan ng pagsunod lalo na sa batas, nakasulat man o hindi. Ito ay isang simpleng alituntunin na dapat na isagawa ng tapat na mamamayan. Oo, may mga sumusunod nga alang-alang sa pagsunod, ngunit mayroon ring sumusunod dahil sa oportunidad na maaaring makuha kung gagawin ito. Ilan sa mga alituntunin ay sobrang bigat na tila imposible ang makagampan nito, ngunit ito rin naman ang magiging batayan ng kapasidad kung kaya nitong magpatuloy at lumago sa pansarili niyang pamamaraan.


Matagal nang inilabas ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ang Memorandum Circular Bilang 2010-73 noon pang ika-4 ng Agosto taong 2010 para sa lokal na pamahalaan at ahensyang nasasakupan nito. Ang inilabas ng naturang kagawaran na probisyon ay patungkol sa akreditasyon ng mga organisasyon para sa representasyon sa local special bodies ng pamahalaan. Malinaw na binabanggit sa naturang dokumento ang ilang mga alituntunin ukol sa pagsasampa ng aplikasyon upang makakuha ng akreditasyon nang mapasama ang kanilang organisasyon sa local special bodies kung saan may direktang mandato ditto ang Tanggapan ng Punonglungsod.

Kung susumahin, kasama sa naturang sirkulasyon ang organisasyon na tulad ng Non-Government Organization (NGO), People’s Organization (PO), kooperatiba, at iba pang tulad nito. Bagamat malinaw na idinetalye ng kagawaran kung anu-anong grupo ang maaaring mapabilang dito, hindi lahat ng organisasyong saklaw ng naturang sirkulasyon ay maaaring mabigyan ng akreditasyon mula sa pamahalaan.


Ang mga organisasyong maaaring makasama sa naturang sirkulasyon ay yaong mga grupo na nasa direktoryo o imbentaryong inihanda ng Planning and Development Office o anumang ahensya o tanggapan na maaaring makagampan ng parehas na gawain. Ang magpapatawag sa mga organisasyong nakasaad sa direktoryo ay ang sanggunian, sa pamamagitan ng tagapangulo ng Komite ng Akreditasyon, kung saan ay marapat na makapagpalabas ng paunawa sa publiko.

Sa unang linggo ng Agosto, ang mga organisasyong humihingi ng akreditasyon ay kinakailangang makapagsumite ng isang kopya ng bawat isang dokumento ng mga sumusunod:

-Liham ng aplikasyon para sa akreditasyon ng organisasyon; 

-Application Form for Accreditation na makukuha sa sanggunian; 

-Board resolution na nagpapahayag ng kagustuhan para sa akreditasyon para sa representasyon sa local special body; 

-Sertipiko ng rehistro; 

-Listahan ng kasalukuyang opisyales at miyembro ng organisasyon; 

-Annual accomplishment report nang nakaraang taon; at 

-Financial statement nang nakaraang taon na pirmado ng opisyales, kung saan nakasaad rin ang pinagkukunan ng pondo. 

Ang sanggunian ay may kapangyarihan upang suriin ang lahat ng aplikasyon para sa akreditasyon sa pamamagitan ng mga sumusunod na batayan:

-Rehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC), Cooperative Development Authority (CDA), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Welfare and Development (DSWD), o anumang ahensya ng pamahalaan na nagbibigay ng akreditasyon para sa PO, NGO, at pribadong sector, o dili kaya ng sanggunian; 

-Layunin at dahilan ng organisasyon kung saan kasama ang community organization and development, institution-building, local enterprise development, livelihood development, capacity-building, atbp; 

-Community-based with project implementation track record na hindi bababa ng isang (1) taon; 

-Kahusayan ng organisasyon na makikita sa taunang ulat at pulong na ginarantiya ng kalihim ng organisasyon;at 

-Iba pang impormasyon na maaaring hingiin ng sanggunian.


Ang organisasyong makakagampan ng mga sumusunod na pamantayan at iba pang kinakailangan ukol sa akreditasyon upang mapasama sa representasyon sa local special body ay maaaring gawaran ng sanggunian na siya naming magiging oportunidad ng organisasyon upang panatilihin at pangalagaan ang organisasyon.

Sa naging pulong na ipinatawag ng Komite ng Akreditasyon, binanggit ni Dir. Roseller Rizal, Hepe ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Lungsod ng Calamba , na ang akreditasyon ng mga organisasyon ay patuloy na isinasagawa sa anumang panahon, ngunit ang pagsama ng isang organisasyon bilang representante ng local special body ng pamahalaang panlungsod ay hanggang sa katapusan na lamang ng Setyembre. Nangangahulugan na tapos na ang pagsampa ng aplikasyon para sa pagsama bilang representante, na ngayon ay nasa pagpili na ng organisasyon ng mapapasama sa representasyon.


Dahil ito ay isang kautusang galing sa isang pambansang ahensya ng pamahalaan, ang lokal na pamahalaan ng Calamba ay marapat na sumunod sa pamantayang binigay ng kagawaran. Bagamat ganito ang kasalukuyang sistemang umiiral, malaki ang posibilidad upang gamitin ng ilang organisasyon ang naturang oportunidad upang angkinin nang buo ang pribilehiyong maaari nitong makuha bilang representante sa local special body ng lokal na pamahalaan.


Sapat ba ang pamantayan ng ilang ahensya ng pamahalaang lokal ng Calamba upang mahigpit na bantayan nito ang mga organisasyong kukuha ng aplikasyon at maaaring mapabilang sa representasyon? Gaano ba katiyak ang Komite ng Akreditasyon, kabilang ang mga kasamang ahensya ng lokal na pamahalaan, na mababantayan nila ang bawat organisasyon upang tiyakin na ang kanilang mga programa ay maayos na dumadaloy at maayos na nakakatugon sa pag-unlad ng kanilang miyembro at ng mas malaking komunidad? Mahihiwalay ba nito ang pulitikal na interes sa kaunlarang panlipunang isinusulong ng pamahalaan at ng organisasyon?---JM JOSE

front2


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER


Last Updated on Wednesday, 21 September 2011 06:05

Add comment


Security code
Refresh