Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

PRIVILEGE CARD NG PHILHEALTH INILUNSAD

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

 

Naglunsad ang Philhealth ng bagong identification card na magagamit ng miyembro sa mga participating merchants sa buong bansa. Ito ay upang mahikayat ang mga may kakayahang makapagbayad ng kontribusyon na makapagpatala na sa National Health Insurance Program (NHIP).


“ We are employing another approach to further expand our membership base and help achieve our government’s goal of Universal Coverage”, ayon kay Philhealth President at CEO Dr. Rey B. Aquino.  Malaki ang pananagutan at bahagi ng Philhealth sa Universal Health Care, kaya kailangang maisali sa NHIP ang lahat ng Pilipino. Kumuha ng mga partner mula sa pribadong sektor ang Philhealth upang mabigyan ng dagdag na halaga ang ID card na magagamit ng miyembro kahit hindi ma-ospital.  Ang mga miyembro ay makakakuha ng discount kapag bibili sila ng branded o hindi branded, generic na gamot, vitamins at medical equipment at devices, pati ang health services tulad ng eye exams, drug testing at vaccination sa mga kasaling merchant stores at sangay sa buong bansa.

 

philhealth-logo

Sa pagkuha ng nasabing card, maaring makakuha ng card sa may 307 sangay ng SM at 1,067 Bayad Centers sa buong bansa, may babayaran ding minimal fee para sa registration services kung saan kasama na rito ang halaga ng card at isang quarter na kontribusyon ng miyembro para sa Philhealth. Ang dati ng miyembro ay maaari kumuha ng bagong card kung saan nakalagay ditto ang kanilang permanent Philhealth Identification Number (PIN). Ito ay may magnetic strip upang maberipika ng merchant kung may premium na kontribusyon sa Philhealth ang miyembro bago mabigyan ng discount at anumang pribelehiyo. Gayon man, ang SM at Bayad Center ay nakahandang tumanggap ng aplikasyon para sa mga bagong magpapamiyembro gayundin ang ilang member updating services sa mga naturang petsa: September 12 onwards- NCR; September 19 onwards- Luzon; September 26 onwards- Visayas; at October 3 onwards-Mindanao.---MJ Pedraja

 

 

 

local service quoteslocal service quoteslocal service quotes

 

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

 


 

Last Updated on Monday, 12 September 2011 05:14

Add comment


Security code
Refresh