Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

MANGO SAUCE TAMPOK SA ISANG INTERNATIONAL FOOD EXPO

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Los Baños Laguna--- Lingid sa kaalaman ng marami, maaring makagawa ng natatangi at tunay na masarap na sarsa ang pinagsamang mango sauce at pili oil para sa mga tiyak na uri ng pagkain.  Kamakailan ipinakita sa isang expo sa World Trade Center ang gamit ng pinagsamasamang flavors na makakalikha ng kaakit-akit at masarap na pagkain. Gamit ang pinagsamang flavors, ang simpleng macaroni at vegetable salad ay naging mas pampagana.


Ang ginamit na mango sauce sa paghahanda ay produkto ni Magsasaka Siyentista Rebecca C. Tubungbanua at ang pili oil naman ay produkto ni Magsasaka Siyentista Minda Yee ng Sorsogon. Si Becky ay ginawarang pinakamatagumpay na Reg.6 Agri-Enterpreneur ng Department of Agriculture- Agribusiness Marketing Assistance Division noong 2009 sa Iloilo City. Ang kanyang inspirational venture sa mango processing technology ay tampok rin sa “The Art of Agribusiness: 111 Stories and More Success Stories in Agri-Enterpreneurship”, inilathala ni Agriculture Secretary Arthur C. Yap in 2009.

 

 

flavors

Sa paggamit ng pili oil ni Minda Yee sa kanyang negosyo, ito ay nagsimula sa isang eksperimento na mano mano niyang nilamuyot ang pili gamit ang cheese cloth at iniluto sa tamang texture nito bilang karagdagan sa iba pang rodukto ng Leslie’s Pili Products. Ang organic oil mula sa pili ay angkop sa pagluluto, salad dressing at iba pang paghahanda ng pagkain. Natuklasan na ang langis ay isang anti-microbial agent, anti-inflammatory agent at epektibong lunas sa sugat at allergies. Ito rin ay ginagamit sa anti-dandruff shampoo at bilang massage oil para sa sakit ng kalamnan at sakit sa buto. Sa kasalukuyan, na i-export na ni Minda ang kanyang pili oil product sa Pransya.

Ang mga pagbabagong ito ay upang magamit ang mga local products sa bansa na naging matagumpay sa pamamagitan ng TechnoMart (TM). TM ay bahagi ng pribadong teknolohiya na pinasimulan ng Philippine Council for Agriculture, Forestry and Natural Resources Research and Development (PCARRD). ---MJ Pedraja


 

 

 

local service quoteslocal service quoteslocal service quotes

 

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Last Updated on Monday, 12 September 2011 05:00

Add comment


Security code
Refresh