Kaalinsabay sa buwan ng Setyembre bilang National Clean-up Month, ang Provincial Government of Laguna ay magsasagawa ng malawakang paglilinis ng tabing-lawa/ lawa ng Laguna na gaganapin sa Sept. 17, 2011, Sabado sa ganap na ika-7 hangang 11 ng umaga sa Barangay Lingga, Calamba City. Ito ay bilang pakikiisa at suporta sa Oplan Linis Ilog/Lake sa lalawigan na dadaluhan ng ibat’t ibang organisasyon, allied non-government organizations at local government units maging ng Municipal and City Disaster Risk Reduction Management na may kanikanilang gagawin at lugar na lilinisin sa nasabing clean-up drive.
Kaisa ito sa pagpapalaganap ng proteksyon sa kalikasan.at kalinisan sa kapaligiran sa pakikiisa ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), Youth Development Affairs (DA) Office, Greenpeace Philippines at iba pang ahensya.---MJ Pedraja

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Wednesday, 07 September 2011 07:47