| Camp Vicente Lim, Laguna/September 7, 2011--- Patay ang dalawang notoryus na miyembro ng sindikato ng car jacking matapos makipagbarilan sa pulisya sa inilagay na checkpoint sa Biñan City, Laguna kahapon ng madaling-araw. Bandang ala-una ng madaling araw ng masabat ng mga pulis ang suspek sa isinagawang checkpoint malapit sa Amordon Subdivision sa Brgy. Canlalay kung saan tumangging huminto ang mga ito. Lumabas na nagsasagawa ng Oplan Sita at Oplan Galugad ang mga operatiba ng PNP nang maganap ang shootout. Kaagad pinaputukan ng dalawa ang mga pulis na nagbabantay na nauwi sa shoot out sa pagitan ng dalawang magkabilang panig. Makaraan ang ilang saglit, tumimbuwang ang dalawang carjacker lulan ng motorsiklo at kasalukuyang inaalam pa ang pagkakilanlan ng mga napatay. Samantala, narekober sa mga bangkay ang dalawang kalibre. 38 revolver at dalawang motorsiklo na pinaniniwalaang ninakaw. ---MJ Pedraja |
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph