Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Pagbuo ng Calamba City Traffic Management & Tricycle Franchising Council Ipinanukala

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Calamba City/September 6, 2011---Dinaluhan ng ibat-ibang kinatawan mula sa mga samahan sa sektor ng transportasyon sa lungsod ng Calamba ang ginanap na public hearing para sa isang ordinansa na kasalukuyang ipinapasa sa Sanggunian Panlungsod na,  “A Proposed Ordinance Adopting the Calamba City Traffic Management Code and Creating the Calamba City Traffic and Tricycle Franchising Council and Providing Penalties thereof.”  Pangunahing layon ng ordinasa ang mabilis na pagresolba sa mga suliranin sa trapiko.  Naniniwala ang Komite ng Transportasyon sa pangunguna ng chairman nito na si Councilor Christian Niño Lajara na sa pamamagitan ng pagbuo ng isang council ay inaasahang magiging sentralisado ang daloy ng komunikasyon mula sa mga tsuper, mananakay, patungo sa mga opisyales ng lokal na pamahalaan.


Ang naturang council ay pangunguluhan ng City Mayor bilang ex officio chairman, Hepe ng Public Order and Safety Office bilang ex officio vice-chairman at mga kinatawan mula sa City Planning Development Office, Sanggunian Panlungsod Transport Committee, Business Permit and Tricycle Franchising Office, ABC President, Tricycle Operators and Drivers Association, Jeepney Operators and Drivers Associations, Calamba Chamber of Commerce at Association of Bus Operators and Van Operators.


Inaasahan ng komite na sa pamamagitan ng pagtutulong-tulong ng lahat ng mga stake-holders sa sektor ng transportasyon ay mabilis at epektibong maipautupad ang mga programang sagot suliranin ng trapiko sa Calamba.

crossing-foot-bridge

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Last Updated on Tuesday, 06 September 2011 07:04

Add comment


Security code
Refresh