Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CALABARZON NEWS: Bokal Pinagbabaril, Holdaper Patay sa Engkwentro

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

BOKAL PINAGBABARIL

CAVITE---Kritikal ang kondisyon ng Board Member (Bokal) ng 3rd District ng Cavite matapos pagbabarilin  ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na naganap sa bayan ng Imus, Cavite kahapon ng umaga.  Nakilala ang biktimang si Board Menber Digo Arguelles, 57, ng Park Dale Subdivision sa Barangay Anabu-1, Imus.  Batay sa police report, kasalukuyang nagdyo-joging si Arguelles sa paligid ng Gold Commercial Complex Compund nang biglang lapitan at ratratin bandang alas 6:30 ng umaga.  Mabilis na nakatakas ang gunman sakay ng motorsiklo.  Samantala, isinugod si Arguelles sa Our Lady of Pillar Hospital para sumailalim sa operasyon matapos magtamo ng tama ng baril sa ulo malapit sa kaliwang mata.   Pinaniniwalaang politika ang isa sa motibo ng pamamaril sa biktima.

 

 

HOLDAPER PATAY SA ENGKWENTRO

RIZAL---Napatay ang isa sa dalawang lalaki na nangholdap sa isang company driver matapos makipagbarilan diumano sa mga pulis sa Barangay San Roque, Antipolo City, Rizal kahapon ng madaling araw.  Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, magwiwithdraw sana si Almarth Tillana sa ATM nang lapitan at holdapin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki. Nagawa namang ikansel ni Tillana ang transaksiyon sa ATM kaya ang pitaka na lamang na naglalaman ng P1,500 ang nilimas ng dalawa.

Gayon pa man habang papatakas ay napadaan ang mobile car pulisya na kaagad na rumesponde,ngunit sa halip na sumuko nakipagputukan ang dalawa sa mga pulis na nauwi sa pagkamatay ng isa sa suspek, samantalang nakatakas naman ang isa lulan ng motorsiklo.

 

 

LALAKI NAGBARIL SA SARILI DAHIL SA SELOS

SAN PABLO CITY---Pinagbabaril hanggang sa mamatay ang magpinsang lalaki ng Jeepney Driver bago ito nagbaril sa sarili sa San Pablo City, Laguna.  Nakilala ang magpinsang si John Cosner Detaunan, 23; at Jesus Sumadsad, 24, kapwa estudyante at nakatira sa Gateway Purok 1 sa barangay San Antonio 1 sa nabanggit na lungsod habang ang bumaril ay nakilalang si Ariel Almare. Sugatan naman ang kapatid ni John na si Johanes Detaunan, 18 na kasaalukuyang nagpapagaling sa San Pablo Medical Center (SPMC) dahil sa mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Batay sa tala ng pulisya, sinasabing dahil sa matinding selos at paninibugho ni Almare dahilan sa nalaman nitong si Johanes at ang kangyang dating asawa ay may relasyon ay nauwi sa kanyang pamamaril at pagpapakamatay.  Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nasa computer shop ang magkapatid at pinsan sa malapit sa kanilang bahay nang biglang dumating si Almare at pinagbabaril sila bandang alas-11:10 ng gabi.  Dead-on-the-spot si John at Jesus dahil sa mga tama ng bala sa katawan samantalang idineklara nang ligtas si Johanes ng mga doktor ng SPMC.Ayon sa ilang naka­saksi sa insidente, nag­lakad pa ito ng ilang metro mula sa computer shop matapos mamaril saka nagbaril sa ulo.

 

 

5M PISO HALAHA NG COCAINE KUMPISKADO  SA CAVITE

CAVITE---Limang milyong halaga ng cocaine ang nakumpiska at tatlong katao ang nadakip sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Cavite kamakalawa.  Kasalukuyang sumasailalim na sa tactical integrrogation ang mga suspek na sina Alex Mingoy, 34; Bobby Yape,43; at Arnold Toledo, 33, Barangay Bautista, Dasmarinas, Cavite.  Ayon sa ulat ni P/Senior Supt. John Bulalacao, si Mingoy ay nasamsaman ng 250 gramo ng cocaine sa  bahagi ng Soriano Highway sa bayan ng tanza, Cavite, habang sina Yape at Toledo ay nakuhanan ng 750 gramo ng droga.  Nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad sa talamak na bentahan ng illegal ng droga kaya mabilis silang naglatag ng dragnet operation na nagresulta sa pagkakabitag sa mga suspek.  Samantala, ayon sa pahayag ni Mingoy ang kanyang ina ay may highblood pressure at ang kanya namang ama ay may prostate cancer at nais niyang makatulong upang ipambili ng mga gamut kaya siya ay napilitang magbenta ng droga.


Submitted by MJ Pedraja

logo

 

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Last Updated on Friday, 02 September 2011 05:12

Add comment


Security code
Refresh