Calamba City--- Nagsasagawa ng door–to-door campaign ang mga Health Workers ng Calamba City Health office bilang bahagi ng kampanya sa paglaban sa dengue. Tinututukan ng mga opisyales ang pagpapanatili ng kalinisan at patuloy na pagsasagawa ng information dissemination sa iba’t- ibang pamamaraan kung paano maiiwasan ang dengue at ang pagpapaalala sa mga mamamayan ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran bilang pangunahing susi sa pag-iwas at pagsugpo sa nakamamatay na sakit na ito.
Nagsagawa rin ng Clean up Drive sa mga barangay batay na sa programa ng Department of Interior Local Government. Nagsagawa rin ng aerial spray at naglagay ng mga OL Trap sa Brgy. Parian at sa mga hot spot ng dengue. Ayon sa City Health Office sa kasalukuyan ay may 200 kaso ng dengue ang naiulat sa lungsod ng Calamba, mas mababa kaysa noong nakaraang taon na may ulat na 800 kaso. Nasa 50 % na ang nako-cover na barangay at patuloy pa rin ang pagiikot-ikot ng mga ito. Gayon pa man, naitala na ang Brgy. La Mesa ang may pinakamataas ng kaso ng dengue sa lungsod.

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph