Matapos ang tigil pasada kaninang ala sais ng gabi Inihayag ni Rolando Mingo Chairman ng Southern Tagalong Transport Sector Organization o Starter Piston na umabot sa 90% ang naparalisa ng tigil pasada ng mga driver ng jeep. Tulad na lamang umano sa mga byaheng crossing calamba hanggang sanpedro, atCrossing hanggang Sta. Cruz, Maging sa ibat ibang bayan sa Batangas, Quezon at Bicol. Dagdag pa ng Chairman ng Starter mahigit isang libong jeepney ang nakiisa sa nasabing transport strike.
Bunsod ito ng kanilang kampanya na big time roll back sa mga produktong petrolyo lalo na ng tatlong mga higanteng kumpanya ng langis na Shell,Petron atChevron, pagaalis ng 12% evat sa langis na nagiging dahilan umano ng patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin.
Dahil sa malawakang tigil pasada kanina hindi naman naitago ng ilan nating mga kababayan na estudyante at mga empleyado na madismaya, anila hindi nila alam na may tigil pasada ngayong araw.
Kung ang iba nating mga kababayan ay dismayado nagpapasalamat naman ang mga may pedicab at may mga motorsiklo na kumita ng malaki dahil sa dami ng pasaherong nagpapahatid sa kanila kahit may kamahalan ang bayad.
Umaasa naman ang mga nagsakripisyo na mga tsuper na nakilahok sa tigil pasada na pakikingan ng gobyerno ang kanilang kahilingan
“Ang usaping ito ay di lamang usaping pang tsuper kundi ang pagtaas ng produktong petrolyo ay usapin nating lahat kayat hinihiling namin ang pangunawa”- ayon kay Rolando Mingo- SG COLBY

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Thursday, 01 September 2011 06:05