Pasado na sa Kamara de Representante ang panukalang batas sa pagpayag na makaboto ng maaga ang mga lehitimong miyembro ng media sa bansa.
Sa ilalim ng panukalang batas na akda nina Marikina City Rep. Marcelino Teodoro at Bayan Muna Partylist Rep. Teddy Casiño, makakaboto ang mga kuwalipikadong miyembro ng media tuwing office hours, 14 working days bago ang mismong araw ng eleksyon sa Election Office kung saan siya nakarehistro.
Tuwing araw ng eleksyon, media ang naglalabas ng election updates at nagsisilbing watchdogs na naglalabas ng iba’t ibang pang-aabuso sa araw na ito, ayon kay Casiño.
Ayon naman kay Teodoro, madalas hindi nabibigyang pagkakataon na makaboto ang mga miyembro ng media dahil sa kanilang work assignments na malayo sa lugar kung saan sila nakarehistro.
Isang application form for early voting ang dapat sagutan ng mga media practitioner na magpaparehistro upang makaboto ng maaga sa COMELEC.
Sina Reps. Neri Javier Colmenares (Party-List, Bayan Muna), Luzviminda Ilagan (Party-List, Gabriela), Rafael Mariano (Party List, Anakpawis), Raymond Palatino (Party-List, Kabataan), Emerenciana De Jesus (Party-List, Gabriela) at Antonio Tinio (Party-List, ACT TEACHERS) ang mga co-authors ng nasabing panukala.

photo: starmometer.com
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph