Sa pamamagitan ng asawa ng main author sa Senado ng P6000 wage increase sa lahat ng kawani ng gobyerno na si Senador Bong Revilla, lumapag na rin sa mababang kapulungan ang panukalang batas sa dagdag-sahod.
Inihain ni Rep. Lani Mercado-Revilla ng Cavite ang pagpapataas sa suweldo ng mga kawani ng gobyerno dahil hindi raw sapat ang Salary Standardization Law 3 na pinirmahan noong 2009. Dagdag sa mga datos na inihain ni Mercado-Revilla ang mataas na inflation rate noong 2009 at 2010.
Binanggit rin sa kanyang panukalang batas ang layo ng average wage na P6,861.00 ng isang government employee sa estimated cost of living ng gobyerno na P28,710 kada buwan. Ayon kay Mrcado-revilla, ang panukalang batas na ito ay maglalapit sa layunin ng Estado na bigyan ng disenteng pamumuhay ang kaniyang mamamayan.
Ilang beses na naman sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi siya pabor sa legislated wage increase.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Thursday, 01 September 2011 02:36
Comments
RSS feed for comments to this post