Umusad na sa mababang kapulungan ang panukalang batas na naglalayong labanan ang racism na nagaganap sa loob mismo n gating bansa. Positibo ang tingin ng author ng bill na si Tarlac Representative Susan Yap sa pagbabagong layunin ng batas sa pagrespeto ng bawat Pilipino sa kani-kaniyang lahi, etniko, kultura, kulay ng balat at maging ng relihiyon.
Ito ay batay sa konstitusyon ng estado sa pagprotekta sa kasarinlan ng tao, magkaroon ng pagkakapantay-pantay sa lipunan, ekonomiya at pulitika at pagbabahagi ng kapangyarihan at kayamanan para sa nakararami. Pangunahing makikinabang sa batas ay ang mga indigenous people and cultural communities. Dapat mamulat ang mga mamamayan na ang karapatan ng mga katutubo ay kapantay ng mga normal na mamamayang naninirahan sa siyudad.
Ayon pa kay Yap, sa kabila ng pagsigaw natin sa tuwing may nagaganap na racial discrimination sa ibang bansa ay laganap naman itong nagaganap sa loob mismo ng ating kapuluan. Halimbawa niya rito ay ang pagsasabing ignorante at mangmang ang mga Bisaya. Kalimitan ring nilalait ang punto ng mga Bisaya kapag nagsasalita ng Tagalog. Isang kaparehong bill na rin ang inihain ni Senador Loren Legarda sa Senado.

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph