Calamba City, Laguna--- Sunod sunod na nga ang nababalitang kaso ng dengue sa ating bansa nararapat lamang na tiyakin ng ating pamahalaan ang kaligtasan kung kaya’t dapat lamang ng magsagawa ng Barangay inspection ang mga health workers sa bayang ito bilang bahagi ng kampanya sa paglaban sa dengue.Nararapat lamang na tutukan ng mga opisyales ang pagpapanatili ng kalinisan at patuloy na pagbibigay ng information dissemination sa mga tao kung paano maiwasan ang dengue gayundin ang patuloy na pagpapaalala na ang kalinisan ang pangunahing susi dito.
Ayon sa City Health Office nasa 178 lamang sa kasalukuyan ang may kaso ng dengue ang naiulat dito ngunit walang kaso ng pagkamatay at ito ang labis nilang ipinagpapasalamat. Kaugnay nito, puspusan ang ginagawang kampanya ng pamahalaang sa 54 barangay na sakop nito at hindi tumitigil ang mga kawani ng CHO na magpaalala na laging sumangguni sa kanilang tanggapan kapag nakitaan ng sintomas ng dengue ang isang pasyente. Ang mga opisyales naman ng barangay ay hindi nakakalimot sa pagpapaalala sa mga tao na magsagawa ng paglilinis sa kanilang bakuran upang hindi pamahayan ng lamok na carrier ng nasabing sakit. (Arlene P. Mariposque)

photo: nlm.nih.gov
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Tuesday, 30 August 2011 06:31
Comments
Nag-deklara po ba ng Dengue Outbreak sa area ng Canlubang? Nagpaplano po kasi kami ng fogging laban sa lamok pero nabanggit po ng DOH na hindi naman po dapat mag-fogging sa isang area o lugar kung wala namang outbreak.
Yun lang po. Salamat!
RSS feed for comments to this post