Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

TIGIL PASADA SA REGION 4A KASADO NA SA AGOSTO 31- STARTER PISTON

  • PDF
User Rating: / 4
PoorBest 

tigil-pasada

Sa press conference ng grupong Starter Piston na ginanap sa isang restaurant sa Cabuyao Laguna ay sinabi ni George San Mateo Secretary General ng grupong PISTON o Pagkakaisa ng mga Tsuper at Operators nationwide na aarangkada na ang ikalawang round ng malawakang tigil pasada sa Miyerkules Agosto 31 sa Calabarzon at Bicol Region.

Matatandaang Hulyo ng taong kasalukuyan ay halos naparalisa ng tigil pasada ang mga pampasaherong jeep at tricycle sa Crossing Calamba hanggang San Pedro Laguna ganun din sa ibat ibang bayan sa Batangas at Quezon kung saan marami sa mga commuters ang naglakad at ang iba ay hindi na pumasok sa eskwela at trabaho dahil sa malaking kakulangan ng mga pampasaherong sasakyan

Kaya naman ngyon pa lang ay puspusan na ang grupo sa pagaabiso sa publiko tungkol sa nakakasang tigil pasada sa Miyerkules upang itoy mapaghandaan ng mga mananakay at maiwasan ang perwisyong maaring maidulot nito

Dagdag pa ni George kasabay ng tigil pasada na isasagawa sa anim na probinsiya sa Agosto 31 na magpapasimula ng ika apat ng umaga at magtatapos ng ika 5 ng hapon ay ang transport caravan na gagawin sa harapan ng tanggapan ng tatlong malalaking kumpanya ng langis na Petron, Shell at Chevron sa Metro Manila. Ang tigil pasada sa Miyerkules ay bilang paghahanda di umano sa nalalapit na nationwide tigil pasada  ng ibat ibang grupo ng transportasyon

Kaalinsabay nito ay nanawagan ang grupo ng transportasyon na makiisa at sumuporta sa gagawin nilang tigil pasada ang publiko dahil anila nagsasakripisyo din ang kanilang pamilya sa tuwing silay nagsasagawa ng kilos protesta, subalit kailangan di umano nilang gawin ito upang maiparating sa gobyerno ang hinaing ng mga tsuper at mapigilan ang patuloy na paglobo ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Kasama sa kanilang hinihiling sa pamahalaang Aquino ang pag alis ng 12% evat sa produktong petrolyo, isabansa ang industriya ng langis, irolbak ang singil sa toll fees at pagtapyas ng 9 na piso sa kasalukuyang presyo ng petrolyo.

Ang mga driver natin masasabi din natin na modern day national hero, ang pagwewelga di medaling bagay yon nagsasakripisyo jan ang pamilya. Di lang pangunawa ang hinihiling naming sa ating mga kababayan dahil bahagi sila ng labang ito- SG COLBY



CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER


 

Last Updated on Tuesday, 30 August 2011 06:03

Comments  

 
0#2arie2011-08-31 03:05
ahh, , tigil p passda
Quote
 
 
0#1kukai2011-08-30 09:26
:roll:
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh